UPDATES!
Sunday, December 2, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Worst day?
Sabi nga nila, if we have the best days of our life, meron din, syempre, tayong worst days. And I think, that worst day for me is TODAY.
Ehwan ko ba, I just feel so tired, kahit wala naman kami masyadong ginawa dahil may program sa school kanina. Culminating activity namin kanina kasi Social Studies month namin ngayong October. So yun. At yung 'Imelda Marcos' thingy ko, kanina na yun. Hindi ko yata nabanggit dito yung about dun, pero yeah, yun nga. Nakasali ako sa gameshow namin, 16 students lang ang na-qualify dun sa buong highschool dept., at ayun nga, nakasali ako dun. 4 representatives per year level and each of us has to impersonate someone historical, and I am Imelda Marcos. Moving on. Walang nakapasok sa 2nd round galing sa 3rd year. 1st year, 2nd year at 4th year lang. Basta, in short, talo kami.
Ayun, nagtagal yung program na yun hanggang 11:10 ng umaga. Tapos nagklase lang kami, 1:45 na. Tapos uwian na ng 3:45. Ayuuuun.
Ano bang dapat ma-feel mo kung may nakaka-close ka nang isang tao, tapos kaya kayo naging close dahil dun sa isang kaibigan nio na tinulungan nio sa problema nia, tapos na-solve na yung problema nung friend nio na yun, pero dahil nga close na kayo, nag uusap pa rin kayo madalas tapos tawanan, tapos lagi mo sya kinakausap sa school, tapos sabi nung friend nio na tinulungan nio, "Bakit ka ganyan? Nasolve na naman yung problema ko, pero gusto mo pa rin lagi natin syang pinupuntahan." Ehwan ko ba, nasaktan ako eh. Tipong ang dating sakin eh ayaw niang makipagclose ako dun sa taong yun.
Kanina nga, nung last subject na namin, edi, T.L.E. class namin, eh may nagrereport sa harap. Nakikinig naman ako, tapos bigla kong naalala yung sinabi nung friend ko na yun, tapos bigla na lang akong naluha. Basta, iyak ako ng iyak nung T.L.E. namin, pero todo-punas naman ako ng panyo sa mata ko kasi ayoko namang may pumansin pa sakin. At hindi naman talaga ako umiiyak pag nasa school. Sa dalawang taon ko sa NF, kanina lang ako umiyak na dahil sa problema. Last year naman, umiyak lang ako nung nag-open forum kami at nung last day na ng pasukan. So, normal lang na maiyak ako nun. Pero yung kanina, grabe, hindi ko expected.
So nung uwian na, hindi ko na pinuntahan ung isang nakakaclose ko. Pinapunta ko na lang sila Jill at Divine para kunin ung notebook ko sa kanya. Tapos ayun. Hinintay ko na lang sila sa pila. Basta, nung uwian, malungkot talaga ako. Tapos tinitignan ko sya sa malayo, talagang naiiyak ako. Pero syempre, super pigil ang lola mo. Basta, feel kong lumayo na lang sa kanya. Para ok ang lahat, I guess.
Tapos nung nasa bus ako, tinext ko siya nung lyrics ng isang song. Song na about parting ways eh. Basta, pinarinig lang sakin ni Baby yun eh, sa Pokemon daw yung song na yun. Edi yun. Tinext ko nga sa kanya yun. As in ganito oh, "Time has come. It's for the best, I know it. Who could've guess that you and I, that somehow, someday, we have to say goodbye. Goodbye !" Oo, as in ganyan. Tapos nagreply sya, sabi nia, "Ngek! Bakit?" Tapos ayun, hala, nagtuluy-tuloy na yung luha ko nung nagrereply ako sa kanya. Sabi ko, "Hehe. Drama lang. Baka kasi hindi ko na 'to magawa bukas, or kahit kailan. Blahblahblah." (Nakalimutan ko na kung anong nailagay ko eh, nasa phone ko kasi eh na kay mama pa yung phone ko ngayon kasi nalaglag ko sa car kanina pagbaba ko.) Basta yun. Basta, iyak lang ako ng iyak. Ehwan ko kung bakit.
Pag importante nga naman ang tao sayo, talagang iiyakan mo no?
Ohwell. Ganun naman talaga ang buhay diba? May mga dadating sa buhay mo na tuturuan ka lang ng leksyon. Mga magpapakita lang sayo ng mga bagay dapat mong bigyan ng halaga, tuturuan ka kung panu mo makikita ang tama at ang mali. But they're not meant to be with you forever. One day, they'll just vanish as if they are ashes blown by the wind away.
Haaaay. Life.