I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Speech choir.
I just thought I'd share with you the piece that we used for our speech choir.
Pilipino: Isang depinisyon Ponciano B.P. Pineda
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Sabi nila'y Pilipino
Ugat natin ay silangan
Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay
Galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan
Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran
Naibigan itong pulo, kaya't dito nangagkuta
Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay ng sagana
May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala
May samahan at ibigan, maayos at payapa
May sariling wika
Tayo raw ito
Sa ante-panahon ng kolonyalismo
Walang abog
Mula sa kanluran, ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Barangay ay binuwag
Mga tala ay sinunog
Abakada'y ibinawal
Ipinasyang mga mang mang
ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
At naging alipin ang bayan kong irog -- ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog
Ito tayo...
Pilipino
At sa halip, at sa halip
Pinalitang lahat-lahat
Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura
Kinastila itong dila, itong puso'y kinastila
Edukasyon ay hulog ng langit
Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat
Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
Kaya't ako'y nakastila
Sa kaluluwa at sa balat
Pinagtilad-tilad
Ikaw, ako't siya
Sa adhika'y paghatiin: divide et impera
At yumabong
Ilukano'y Ilukano
Kapampanga'y Kapampangan
Bikulano'y Bikulano
Pangasina'y Pangasinan
Ang Cebuano ay Cebuano
Iyang Waray, laging Waray
Ang Ilonggo ay Ilonggo
Mga Muslim, laging Muslim
Ang Tagalog ay Tagalog
Kanya-kanya, tayo-tayo
Masagi na ang sampangkat, malipol man ang santribo
Huwag lamang tayo, huwag lamang ako
Pagkat tayo ito..
Mga PILIPINO.
That piece is for 3rd year and 4th year who were competing in the Speech choir competition. Pero mas gusto ko yung piece ng 1st year at 2nd year.
Please hear what we are not saying... Author Unknown
Don’t be fooled by us
Don’t be fooled by the face we wear..
For we wear mask…
We wear a thousand mask..
Mask that we are afraid to take off, and none of them are us
Pretending is an art that is second nature with us
But don’t be fooled for God sake don’t be fooled
We give you the impression that we are secure
That all is sunny and unruffled with us, within as well as without
That confidence is our name and coolness our game
That the water is calm and were in command
And that we need no one
But don’t believe us PLEASE!
We dislike hiding
We dislike the superficial phoney game
We’d really like to be genuine, and spontaneous and us
But we need your help your hand to hold
Though our mask will tell you otherwise
It will not be easy for you
Long felt inadequacies make our defence strong
The nearer you approach us the blinder we may strike back
Despite what books say of men we are irrational
We fight against the very thing that we cry out for..
You wonder who we are
You shouldn’t for we are every man and every women who wears a mask
Don’t be fooled by us
At least not by the face we wear
Diba, mas maganda yung kanila? I like it. Ang ganda rin ng mga presentations nila. :]
Anyway, congratulations to everyone!