The Year-End Post
Saturday, December 29, 2007
I'm happy, though I'm sad.
'Tis the season to be jolly... La la la la la lalala... Wish ko lang kaya kong kantahin yan diba. Panu kasi, wala namang reason para maging jolly ako. Naubusan ata ako, di ko naabutan nung nagpasabog si Papa Jesus ng magagandang bagay sa buhay. Nasan ba kasi ako nun? Nakatulog ata ako? Nako, mukhang kailangan ngang bawas-bawasan ko na ang pagiging batugan ko. Kawawa naman tuloy ako. Ay, ay.
For the sake of posting something before the year comes to an end, I decided to look back and see if I really knew better now. Titignan ko kung ano nga ba ang tamang gawin in tough times.
This year is a tough one. I've faced truckloads of problems which I thought were too hard for me to handle, but then it turned out to be super easy. It's just that I was too blind to see how to solve it. As they say, "Don't problem the problem. Let the problem problem you." True enough, I've learned to move on kahit na problemado pa rin ako. I've learned to smile on the inside. Naging masaya pa rin ako even though nakapaligid sakin ang mga problemang akala ko eh makakapagpa-bagsak na sakin.
The best thing I learned this year was that smiling on the outside is also one way of hiding your feelings but it's also one way of telling yourself that you're never strong. Hiding everything behind a smile is okay, but then we must learn also to smile in the inside. How? We just have to accept everything that comes up. Tipong pag may unwanted circumstances, imbis na magreklamo, let's just enjoy the moment. Anyway, time's precious and lost time will never come again. Wag yung reklamo ng reklamo. Matuto tayong tumanggap ng mga pangyayari. Those unexpected moments pa rin naman are the most enjoyable eh. ^_^
Natutunan ko ring wag pagsisihan ang nakaraan. It's good to feel na wala kang burden sa nakaraan mo. Tipong free na free ka. If not for those mistakes, I won't be who I am right now. Kaya accept lang ng accept. Mas madali nga yun eh. Basta, mas okay na talaga. ^_^
Puro kakornihan na nilalagay ko dito. Feeling ko, walang sense kasi sa totoo lang, bad trip ako ngayon. Pero ano ba, bored ako eh. Kaya eto, post-post lang ng kung ano-ano. Totoo naman yang mga sinabi ko. Pero saka ko na ieelaborate ng todo. Wala na talaga ako sa mood.
Kaya yun lang muna.
Advance Happy New Year na lang sa lahat!
Regrets
Monday, December 3, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Kapag tinanong kita kung may mga pinagsisisihan ka ba sa buhay, anong isasagot mo? Oo, at mag uumpisa ka nang magreklamo tungkol sa mga maling nangyayari at maling nagawa mo sa buhay mo? O hindi, at ngingitian mo ko na masayang-masaya ka? Ano nga ba talaga?
Kung ako ang tatanungin, I'd pick the second one. Sa totoo lang, sa buhay ko, wala akong pinagsisisihan. Bakit? Dahil hindi ako magiging kung sino man ako ngayon kundi dahil dun sa mga pagkakamali kong yun. Hindi ako magiging matibay sa oras ng mga pagsubok, hindi ako magiging malakas sa oras ng kahinaan, mas lalong hinding-hindi ko makukuhang ngumiti sa mga oras ng kalungkutan.
Pero dahil sa mga pagsubok at pagkakamaling napagdaanan ko, natutunan kong gawin ang mga bagay na hindi ko inakalang kaya kong gawin. Ano yun? Yun ay ang magtiwala sa sarili ko. Sinaliksik kong mabuti ang aking sarili, at nakita kong may kakayahan pala akong gawin ang mga bagay-bagay na akala ko eh ibang tao lamang ang nakakagawa. Walang taong mahina, lahat tayo ay malakas. May iba nga lang na kulang ang tiwala sa sarili. Kung wala yon, paano nga naman natin magagawa ang mga bagay-bagay?
Sabi nila, kailangan muna nating magtiwala sa sarili natin para pagkatiwalaan tayo ng iba. Pero ano bang dapat gawin kung sa lahat na lang ng gagawin mo eh puro "negative" ang nakukuha mong reaction mula sa kanila? Tipong ginawa mo na naman yung dapat mong gawin pero sila, wala nang ginawa kundi pansinin ang lahat ng pagkakamali mo? Paano ka nga naman magkakaroon ng tiwala sa sarili nyan no? Pero i-set aside mo na yang mga reactions ng mga taong yan. Hindi naman tayo nabubuhay para mapasaya sila. Isa lang naman ang dapat nating pasayahin, at yun ay walang iba kundi ang Diyos. Sa kanya nanggaling ang lahat, kaya't sinisigurado kong may kakayahan din Siyang kuhanin ito kung hindi gagamitin sa ayos. Binigyan Niya tayo ng talento, para gamitin sa ikabubuti natin. Hindi para itago o kaya'y ipagmayabang.
Ang mga ito ay isa lamang sa mga "realizations" ko ngayon. Sa araw na to, kahit wala kaming pasok, marami akong natutunan -- sa PANONOOD. Saka ko na ieelaborate yung iba. Ang sakin lang ngayon eh maging masaya tayo kung anuman ang mga napagdaanan nating pagsubok/paghihirap. Hindi dapat ito pagsisihan, dahil ito rin ang dahilan kung bakit nandito pa tayo ngayon at patuloy na lumalaban. :]
UPDATES!
Sunday, December 2, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: At CC Shj. with Sir Aris; DFC with churchmates.
Oo! Dahil holiday ngayon, nilubus-lubos na namin! HAHA. Syempre, sunday ngayon eh, nataong national day ng UAE kaya halos lahat kami, walang pasok. Kaya ung usual sunday night service namin sa church eh ginawa munang morning ngayon. Kaya ayun. After ng service, nagpunta ako kila Nicole. Tas sabay-sabay na kaming nagpunta sa City Center sa Sharjah. With Virmie, Abby at syempre, ang tatay namin kanina, si Sir Aris! ;p
Kasi, the night before, kachat ko si Sir. Eh, yun nga, sabi nia, pupunta daw sya sa CC Shj, maglalakad-lakad lang daw. Saka bibili daw sya ng DVD-RW dahil puno na daw ang HD ng laptop nia. Kaya yun. Eh nung nag-confe kami nila Nicole, ehwan ko kung pano, basta umabot sa point na kinukulit na namin si Sir na isama kami sa CC. HAHA. Ayun, at dahil makulit kami, um-oo na sya. ;p Kaya yun, natuloy nga kami! HAHA. Success! ;p
Eh, dumating kami dun, mga 12:30. Tas tinawagan ko si Sir, papunta na daw sya. Nagtaka naman ako, kasi sabi nia nung sa confe, 11 daw, nandun na sya. Tas alis ng 1pm. Eh sabi nia, papunta pa lang daw sya. So sabi ko, misscall na lang nia ako pag nandun na sya. Kami namang apat, libot-libot muna. Tapos maya-maya, nagmisscall na sya. Nung tinawagan ko naman, ayaw nia sabihin kung nasan sya! Hanapin daw namin sya! Langya! Nakipagtaguan pa! Hmff. Nandun daw sya sa Carrefour, hanapin na lang daw namin sya dun! Tsk tsk. Tapos yun pala, kanina pa sya dun sa CC, at nakita na rin nia kami nung pumasok kami sa Carrefour. Edi yun, punta naman kaming apat sa Carrefour, hinahanap namin sya. Eh, sabi ko, tignan namin sa mga computer gadgets chuva, kasi nga, alam ko, bibili sya ng DVD-RW. Ayun, nakita sya ni Nicole! HAHA. Hule! ;p
Tapos, edi un. Magkakasama na kami. Binibilisan nia ung lakad nia, edi sunud naman kami. Eh ang kuhlet, sinasadya na nia eh. HAHA. Edi hinabol ko, sabay sigaw ng "Daddddyyy!" HAHA. Pota, edi yun! Napahinto sya! HAHA. Ayown, tas kinakanchawan namin sya na ilibre kami. Sabi ko pa nga, tamang-tama, lunch time na eh di pa kami naglalunch. HAHA. Sabi ko, pizza lang, solve na kami. ;p
Tas, HALA! Nagpunta ba naman sa tapat mismo ng Pizza Hut sa food court! Ililibre nga kami! Waaaaaaa! Ayown, si Nicole nag-order. 3 medium size na pizza, meal for 6, eh 5 lang naman kami. Tsk tsk. Andami, basta! Di namin naubos eh. Naka-dalawa lang akong pizza, tapos isang garlic bread. Si Sir, parang ehwan. Kumuha nung 3 flavor, isang margarita, isang pepperoni, at isang hawaiian. Tapos ung margarita at pepperoni ata yun, kinagatan nia lang! Ah, basta! Isa lang ung naubos nia talaga! HAHA. Andaming natira eh. Tas nun ko lang naalala, di nga pala sya mahilig sa pizza. Na-guilty naman tuloy ako, di tuloy sya masyadong naka-kain. Hehe. Tapos ayun, inuwi na lang ni Nicole ung natira. ;p
After namin kumain, nagpa-dessert pa sya. Hehe. Pero syempre, ung mura na lang no! Na-75dhs na sya dun sa pizza eh! HAHA. Basta, all in all, 85dhs lahat nagastos nia samin! LOL. Kasi ung dessert namin, ung ice cream sa McDo na may chocolate dip, ung tag-2dhs each. Eh, dahil 5 nga kaming lahat, edi 10dhs yun. So yun, 85dhs all in all. ;p
Badtrip lang, dumating na si Mama. I had to go. Pero umalis na rin naman daw si Sir after ko umalis, kasi nga hanggang 1pm lang naman talaga sya dapat dun. Nag-exceed lang ng mga 30mins. LOL.
Eh yun, dumating nga sila Mama. Tas nagpunta kami sa Dubai Festival City. Namasyal lang with church mates. Ang saya! LOL. Kasi lumamon na naman ako dun! Pota, kamusta naman yun diba?! Super-FULL pa ko sa Pizza Hut ni Sir Aris, tapos nag-salmon pa ko sa restaurant ng Ikea. ;p HAHA. Ang sarap eh! Pasensya na, tao lang. ;p Tas yun, nagpunta kami sa Marks and Spencer, may binili lang. Tas may nakita akong watch, ang ganda eh. 150dhs sya, sabi ni Mama, balikan na lang daw namin before christmas, kasi wala pa yung sahod nia! YEHEEEEY!
Tas nagpunta kami sa Plug Ins. Nagtingin-tingin ng mga gadgets. ;p Ayown, kinukulit ko na si Mama na bilhan ako ng PSP. HAHA. O kaya ng laptop! LOL! Basta, I want PSP for christmas! Or kung hindi man PSP, kahit bagong digicam na lang! Hehe. Tas sa birthday ko, bagong cellphone naman! HAHA. Shet na yan, ako na nga bibigyan ng regalo, ako pa ang demanding e no? ;p LOL!
Aaaaah! Yun! Basta, masaya ang araw ko! Tanging panira lang eh ung Vans ko, pota. Ang sakit sa paa! Nagkapaltos pa tuloy ako! Shet! Pero okay lang, masaya naman! =D
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Speech choir.
I just thought I'd share with you the piece that we used for our speech choir.
Pilipino: Isang depinisyon Ponciano B.P. Pineda
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?
Sabi nila'y Pilipino
Ugat natin ay silangan
Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay
Galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan
Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran
Naibigan itong pulo, kaya't dito nangagkuta
Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay ng sagana
May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala
May samahan at ibigan, maayos at payapa
May sariling wika
Tayo raw ito
Sa ante-panahon ng kolonyalismo
Walang abog
Mula sa kanluran, ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Barangay ay binuwag
Mga tala ay sinunog
Abakada'y ibinawal
Ipinasyang mga mang mang
ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
At naging alipin ang bayan kong irog -- ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog
Ito tayo...
Pilipino
At sa halip, at sa halip
Pinalitang lahat-lahat
Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura
Kinastila itong dila, itong puso'y kinastila
Edukasyon ay hulog ng langit
Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat
Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
Kaya't ako'y nakastila
Sa kaluluwa at sa balat
Pinagtilad-tilad
Ikaw, ako't siya
Sa adhika'y paghatiin: divide et impera
At yumabong
Ilukano'y Ilukano
Kapampanga'y Kapampangan
Bikulano'y Bikulano
Pangasina'y Pangasinan
Ang Cebuano ay Cebuano
Iyang Waray, laging Waray
Ang Ilonggo ay Ilonggo
Mga Muslim, laging Muslim
Ang Tagalog ay Tagalog
Kanya-kanya, tayo-tayo
Masagi na ang sampangkat, malipol man ang santribo
Huwag lamang tayo, huwag lamang ako
Pagkat tayo ito..
Mga PILIPINO.
That piece is for 3rd year and 4th year who were competing in the Speech choir competition. Pero mas gusto ko yung piece ng 1st year at 2nd year.
Please hear what we are not saying... Author Unknown
Don’t be fooled by us
Don’t be fooled by the face we wear..
For we wear mask…
We wear a thousand mask..
Mask that we are afraid to take off, and none of them are us
Pretending is an art that is second nature with us
But don’t be fooled for God sake don’t be fooled
We give you the impression that we are secure
That all is sunny and unruffled with us, within as well as without
That confidence is our name and coolness our game
That the water is calm and were in command
And that we need no one
But don’t believe us PLEASE!
We dislike hiding
We dislike the superficial phoney game
We’d really like to be genuine, and spontaneous and us
But we need your help your hand to hold
Though our mask will tell you otherwise
It will not be easy for you
Long felt inadequacies make our defence strong
The nearer you approach us the blinder we may strike back
Despite what books say of men we are irrational
We fight against the very thing that we cry out for..
You wonder who we are
You shouldn’t for we are every man and every women who wears a mask
Don’t be fooled by us
At least not by the face we wear
Diba, mas maganda yung kanila? I like it. Ang ganda rin ng mga presentations nila. :]
Anyway, congratulations to everyone!
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: EXHAUSTED.
Grabe, sa totoo lang, sobrang pagod ako this week, pati nung nakaraang linggo. Sobrang hectic sa school, daming ginagawa. Bukas, performance na namin sa speech choir. Wala na kong masasabi, kundi goodluck. Manalo, matalo, whatev. I don't care anymore. Pakelam ko kung nasayang ang pagod ko kaka-train sa mga kaklase ko? Pakelam ko kung nasayang ang boses ko kakasigaw sa kanila? Pakelam ko kung marami na namang galit saken dahil bossy na naman daw ako? Sa totoo lang, WALA! Wala na kong pakelam. Pota. Ang gagu ko naman kasi eh, kung hindi na lang sana ako nakialam diba? Kung sana, pinabayaan ko na lang magkalat kami dun bukas, edi hindi pa sana ako napagod. Edi hindi pa sana sumakit ang lalamunan ko. Edi hindi pa sana nagagalit saken ung mga kaklase ko! Langya. Talo na yan, panigurado. Wag nang mag-expect na mananalo. TANGINA!
Sa totoo lang, ok na yung araw ko eh. As in OKAY NA OKAY NA TALAGA. Walang mga panira, hindi rin ako masyadong nagbunganga sa school, kasi gusto ko, pag nagperform kaming lahat bukas, may peace of mind. Hindi yung iniisip nila na eto na naman si Alenel, blahblahblah. I want them to focus. Kaya hindi ko sila pinakikialaman kanina. Okay, may mga gumagawa ng props, may mga nakaupo lang, mga nagpapacute, mga walang ginagawa, naglalaro ng volleyball, nagsasoundtrip at kung anu anu pa. Sige lang, ok lang. Basta, maganda ang performance bukas.
Pero ano? Ngayong matatapos na ang araw ko, bigla pang masisira. Pota. Nakakabadtrip eh. Sabihan ka ba naman ng "Okay lang kahit wala ka, edi maghanap ng kapalit." Take note ha, ang nagsabi pa nyan eh ung isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay mo! Anu ba naman yan?! Panu pa ko magkaka-peace of mind para bukas?! Langya. Ganon lang pala ako kadaling palitan no? Punyeta. Pero well, sino ba naman ako diba? Si Alenel lang naman ako eh. Ano bang pakialam nila saken? Wala naman, kaya makakahanap agad sila ng kapalit ko. Shet na yan. Biro lang daw eh, pero ouch yun. Tumagos sa buto ko. Nababadtrip tuloy ako, di ko alam kung kakausapin ko ba sya bukas or papansinin ko ba. Bahala na si Batman! Punyeta.
Shet, bigla talagang sumama yung araw ko. Haaaaaaay. Akalain mo yun?! Manggagaling pa sa isang taong sinasandalan mo pag me problema ka, isa sa mga taong mahal mo, isa sa mga taong akala mo eh laging nandyan para sayo. Pota. Tapos ganon lang pala, madaling-madali pala ako palitan. Punyetang yan.
Aynako. Makatulog na nga. Pag ako, hindi na nagising neto, kasalan ni etoh. MAKONSENSYA KA SANA! Bwisit.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Nakalimutan ko...
Oo nga pala, nalimutan ko, nalilito nga pala ako. Di ko alam kung san ako pupunta sa December 7! Sheeeeet.
Tulong please?
Rakrakan kasi sa December 7. Syempre, my beloved Parokya ni Edgar at Kamikazee, sama mo na rin ang Spongecola eh bibisitahin ako dito sa Dubai! HAHA. Pota. Ayun, magcoconcert sila just like last year. Soooooo .. I have decided that I am definitely going to this event!
But then, something came up, one of my friends is inviting me sa Abu Dhabi on the same day dahil pupunta daw dito ang Eat Bulaga! at ipapalabas sa Pilipinas etong episode nila dito. Basta, ganun daw eh.
Syempre, yung Eat Bulaga!, madali lang i-turn down yan. Kaso, yung friend ko?
Pero, sa ngayon, mas matindi pa rin ang timbang ng Rakrakan sa heart ko. Kaya sige, Chitoooooo my labs! Kitakitz ah! HAHA. Pota.
So, san ako ngayon? Heeeeeelp.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Ay, shet.
Sige, diba. Ang ganda ng blog title ko. HAHA. Wala akong maisip eh, yan ang unang thought na pumasok sa isip ko, kaya sorry naman. Pagbigyan na at sobrang stressed ang bruhang ito ngayong week na to. Sobrang daming ginagawa sa school, kahit wala naman. HAHA. Na-gets nio ba? LOL. Walang klase for the past three weeks na, pero busy kaming lahat. Busy kaka-practice for the most-awaited "Language Month Culminating Activity" at syempre, lahat kami eh naghahanda para dun. Speech choir, oration, declamation, balagtasan .. AY SHET TALAGA! Ang dami-daming iniiisip, ang dami-daming dapat tapusin. Bwiset. Kanina, tapos na yung elimination sa oration, declamation at balagtasan. Yung mga nanalo kanina, magpeperform uli sa thursday. Yung sa speech choir, ayuuun, sa thursday pa. Kaya goodluck na lang talaga samin. * cross fingers.
Kanina, nagbabasa-basa ako ng mga blogs ng kung sino-sino, tapos naalala ko lang bigla, dati, gustung-gusto ko magblog to rant about my everyday life, gustung-gusto kong magblog kasi it's more like an online diary. Ingget pa nga ako nun sa mga may blog eh, gusto ko pa nun, pag nagkablog ko, "BIG WORDS" ang gagamitin ko. Shet na yan. Suko ako nung nagkablog ako eh. Langya. Yung mga nabasa kong blog kanina, pota, parang si Inday kung mag-English. NOSEBLEED!! Pota! Gusto ko sana, ganun din, kasi it will make you look smart. Pero wag na lang, thank you. Baka maubus pa ang red blood cells ko kaka-nosebleed. HAHA.
Depressed ba ko? Kasi nakwento saken ni Babyko nun, ung napanuod daw nia eh sabi daw na ang stress ay isang indication ng depression. Eh sobrang stressed ako ngayon dahil sa dami nang dapat asikasuhin sa school. Pota. Gamit na gamit na ang katawan ko! HAHA. Tangenang yan. Puro practice, sigaw pa ng sigaw dahil ayaw makinig ng mga hinayupak na kaklase. HAHA. Pero hokei lang! Enjoy naman. So, I therefore conclude that I am not depressed. LOL.
Or so I thought. Ay, leche. Windang-windang ever ako! HAHAHAHA. Nababaliw na naman ako. Shet na yan. Makatulog na nga. Tulog na baby ko eh. Ako rin nga, at sobrang pagod ako. Bwahahhahaa.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: I'm happy. :]
Ahem. HAHA. Minsan lang yan, kaya pagbigyan nio na. :]
For some reason, hindi ko alam kung bakit masaya ako. Dahil ba unti-unti nang naaayos ang relasyon namin ng mama ko? Dahil ba masaya kami ni Aaron ngayon at wala kaming problema? Dahil ba okay kami ng mga kaibigan ko? EHWAN KO! Basta, masaya ako. At minsan lang mangyari yun. Ay, actually, madalas pala on the outside. Pero sa loob, malungkot ako. Nabasa ko nga sa isang blog dito sa multiply eh, "Those who has the happiest faces keep the loneliest." Awts!! Pero well, kaya ko to eh! Ako pa?! Ano bang hindi ko kinaya diba? Para lang mabuhay ng masaya, kakayanin lahat! Oha, oha. Yan ang fighting spirit.
Pero! Wag nio naman ako lunurin sa problema. Tao lamang ako. HAHA. Pero, bahala ka. Try me. =D
Normal na tao din ako, naiisip ko din mag-suicide na lang minsan. Pero anu ba, duwag ako eh. Takot pa ko mamatay. HAHA. As in never ko pa na-try yung mag-suicide. Kahit ung simpleng sadyang hiwain lang ung sarili kong balat. HAHA. Pasensya na, takot ako eh. Takot ako mamatay, takot ako sa Diyos, takot ako na maging malungkot ung mga mahal ko sa buhay. Ay shet, ang laking duwag ko pala. Nakakahiya. HAHA.
Pero, welllll. Sabi nga nila diba, "A warrior is a child" daw. So .. Yun na! Bahala na kayong intindihin yung kanta. HAHA.
Ay, sha. Makaalis na nga. Matutulog na ko. >_< Gooooooodnight!
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Ok na kami. =)
Yes, okay na kami uli ni Aaron. Masaya na ko uli, masaya na rin sya uli. Basta, okay na kami. Nakapag-usap na ng maayus. Weeeeeeee.
Salamat sa lahat ng nagbigay ng moral support. =)
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Mga narerealize ko lang just now...
Sa totoo lang, marami eh. Dahil nga absent ako at mag isa lang ako dito sa bahay ngayon, ayuuun, nakapag-reflect-reflect ako. Marami akong nalaman, maraming natutunan, maraming namimiss at gustong makasama, marami ding natuklasan. Mga bagay na obvious na obvious na naman, nasa harap ko na, hindi ko pa rin nakita nuon. Pasensya na, malabo talaga ang mata ko eh. HAHA. Pero ngayon, nakita ko na naman. :]
Kaye was here last night, we ate dinner together kahit kumain na sya -- NG TANGHALIAN! HAHA. Don't blame me, punchline nia pa yan kagabi. HAHAHA. I missed her. As in sobra! Ayun, bonding session kami, kachat si foOkii at pardz, may pa-webcam-webcam pa kaming mga loka-loka! HAHA. Kaso si Pam eh, poor lang daw, walang cam! HAHA. Phamerssss! Ma-ingget ka! ;p Anyoo. Ayun na nga. And today is the 2nd year anniversary ng chOkizxieteh. Ay, shet! Nakakamiss. :[ So yuuuuuun. Narealize ko lang, no matter how far the distance between friends, no matter how sporadic the updates comes up, how infrequent visits surprise us, pag nagsama-sama kami, NOTHING CHANGED. :] I just love them. Grabe. Check my photos to see our confe-slash-printscreen session! HAHA.
Kagabi din, I was talking to Aaron, trying to sort things out para naman magkaayus na kami. I didn't get the answers that I was expecting, so medyo nabadtrip pa ko kagabi. Kasi parang wala na talagang chance, parang ayaw nia akong tulungan na ayusin ung issue samin. Parang hinahayaan nia na lang ako magmove on. Ganun. Basta! Pero paggising ko kaninang umaga, andami nung message nia, ang hahaba pa. Iniwan ko kasing nakaOL ang YM ko nung natulog ako. So yuuuun. Lahat ng explanations na hinihingi ko sa kanya kagabi, kaninang umaga ko nakuha. So yuuuun. Nalinawan ang pag iisip ko. :] Pinapanuod nia rin sakin ung License to Wed which is a very nice movie at talagang nakakarelate nga sya. Ngayon, we're okay. Hindi ko lang alam kung kami na ulit, or kami pa ba, or whatever. Narealize ko lang, hindi lame ang reason nia. May dahilan talaga. At hindi ung 'me relasyon kami ni Sir Aris' ang totoong dahilan ah. Iba eh. Basta, may point sya. And I'm getting waaaaay overboard. So yun. Naintindihan ko na sya ngayon. So yuuuuun. Basta, yuuun! HAHA.
Absent ako diba, so after class, while I was chatting with Sir Aris, nagOL si NIckz. Tapos yung stat nia, yung lyrics ng Sorry na by PNE. So, si Sir naman, sabi sakin, bat daw ganun ang stat nia, kung me galit na naman daw ba sa kanya. Eh hindi ko naman alam, kasi nga absent ako. So nagPM ako ke NIckz, ask ko sya kung bakit ganun stat nia. Eh ako pala yun! Shet. Anu bang malay ko! =)) Kasi kahapon, pinagttripan ko sya, kunwari galit ako. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga. Ni hindi ko nga magawang magalit sa kanya. So yun. Edi natuwa naman ang bruha nung sinabi kong di ako galit. HAHA. Narealize ko lang, ganun pala kalaki ang impact ko ke NIckz, na pag nagalit ako eh she cares enough to say sorry kahit di pa nia alam kung anong kinagagalit ko. Aww, touched ako, promise! Sa iba kasi, hindi eh. Wala silang care kung galit ako. Edi wa care din ako! =))
Tapos nag-confe kaming magkakaklase kanina kasama si Francine na nasa Qatar na. Ayuuuun. Ang saya. Kung anu anu pinagsasasabi namin, nawawala na naman kami sa sarili, nasisiraan na naman ng bait. HAHAHA. Lahat ng nandun sa confe, from different cliques sa classroom, but we are UNITED talaga ever! HAHA. Narealize ko lang, mahihirapan akong umalis sa NF next year all because of them. Ang hirap nilang iwan. Minsan ka lang makakita ng isang buong klase na talagang nagdadamayan eh, napaka-rare talaga nun. At sige, itanong mo sakin kung sino ang dahilan ng lahat ng yun? Si Sir Aris! Langya, impakto talaga yuuuun! =)) Kung di pa kasi sya nagtampo samin last year, ayun, hindi namin marerealize lahat lahat yun. So malaki talaga ang utang na loob namin ke Sir. :]
Para sakin, masyadong marami yan to take it all in one day. Muntikan ko nang di kayanin eh. HAHA. Pero! Dahil ako si Darna, syempre, kinaya ko diba?! HAHA. Magaling ako eh! ;]
Anyoo. Happy 2nd Anniversary, chOkizxieteh. Shet, I love you all! HAHA. Kelangan talaga, may 'shet' e no? =)) Kasi, si etoh eh! =)) PEACE!
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Mona Lisa Smile.=)
Actually, I haven't seen the movie yet pero nung nanunuod si Ate Sharon, nakita ko yung isang scene where Kirsten Dunst was talking to her mother and she said .. "Mona Lisa is smiling. Is she happy? .. Everything is not always what it seems." And those lines just hit me. I may be smiling, but am I happy? Ohwell.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Moving on. =)
After a few days mourning for our break up, I decided to move on. Wala na namang point kung maghohold on pa ko, e sya na nga tong bumitaw. So I gave up. I gave up waiting for him. Dumating lang yung point na naisip ko, I don't have to explain myself to him coz wala naman akong ginagawang masama in the first place. Kung mali ako at hindi dahil ke Sir Aris kaya sya nakipagbreak sakin, bakit hindi nia sabihin sakin diba? So, okay.
I will go on, and I will move on .. -- let me stop there. May kasunod pa sana yan eh, yung 'all because of you.' kasi sa kanta ni Sarah Geronimo, ganun yung lyrics eh. Pero I will go on and I will move on para sa sarili ko. I don't want to live in the past, kung nagkakamali man ako ngayong present, it can be useful para matuto akong dumiskarte for the future. Ganun lang yun.
Dati, madalas kong sinasabi na hindi ko kakayanin pag nawala sya sakin. But then, dahil sa tulong ni Sir Aris, pinakita nia sakin na kakayanin ko mawala man sya. Yun lang, mas magiging masaya ang buhay ko kapag kasama ko sya. I have lived my life without him before, I can still do that now. Kulang na nga lang, hindi na ko kumpleto. Well, ganun talaga.
Ang masasabi ko lang, etong break up na to is somehow, good for both of us. Or, siguro para sa kanya. Atleast, makikita na ulit nya ung direksyon nia sa buhay na nawala because of me. Hindi ko naman sinasadyang magkaganun ang buhay nia eh. And I have no idea na ganun na pala. Sorry na lang, wala na naman akong ibang pwedeng sabihin eh. Sorry lang kung hindi sya naging masaya sakin, kung nagulo ko ung buhay nia, kung puro sakit ng ulo at heartaches ang binigay ko sa kanya. Akala ko kasi, masaya sya eh.
Ay naku! Tama na ang pagiging emo! Mababatukan na ko nito ni Pareng Aris eh! =))
Go lang ako ng go! Kaya to ng powers ko! Aja!
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Break na. =(
Oo, break na kami. Or is this just one of those false alarms? Hindi ko alam. Basta alam ko, sabi nia, kailangan na daw siguro naming maghiwalay. Hindi ko kasi lubos maisip na yun pa yung magiging dahilan. Sa totoo lang, natatawa ako pag yun ang naiisip kong dahilan. Ahaha. Iniisip nia kasing may 'relasyon' kami ni Sir Aris. Ahaha! Anu ba, estudyante ako, teacher ko yun! Sige ha, may relasyon daw kami. Langya. Porke't ba close kami, ibig sabihin, kami na? Ahaha. Natatawa na naman ako. Wala kasing sense eh.
At kasi .. may virus nga tong pc ko. So, madalas nagloloko. Kapag nakikipagchat ako, kung sino lang ung kachat ko na matagal na, yung mga messages na lang nun ang narereceive ko. Di na ko nakakareceive ng ibang PMs. So, nagloloko nga kasi talaga. Tapos ayun, nung nagPM ata si Aaron, e di ko naman natanggap, akala nia di ko sya pinapansin dahil may kachat akong iba. May kachat nga ako, si Sir Aris, pero hello?! Nagkkwentuhan lang kami tungkol dun sa mga happenings sa school, tapos wala nga akong nakukuhang message ni Aaron. Tapos ganun na iisipin nia. Pasensya na ha, hindi ko kasalanan yun! Kasalanan ng computer ko yun eh. Na-virus-virus pa kasi! Bwisit!
So yun. Yun na nga. Break na. Bahala na. After 3 years and almost 11 months. Pero natatawa pa rin ako sa dahilan kung bakit kami nagbreak.
Pero syempre, mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi na naman mawawala yun. =( I'm still hoping for him to come back. Maghihintay lang naman ako.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Life.
In this dark place, I sat down and began to wonder about things, feelings and situations. I began to wonder how things really work out for a particular person, how they took control of their emotions and how well they can handle tough situations. This is a cruel world, and the problems that we encounter at our early age is just a taste of our future. Now, let me enhance to you my understanding of the mechanics in this game called 'life.'
As a kid, we are curious about things. We are eager to get all the answers to every questions that pops up into our minds. Though not all of these questions can be answered today or tomorrow, we are certain that at some point, when we grow up, we'll find the right answer. With a truckload of failures on finding out what we want to know, here, we learn to wait. Unknowingly, we acquire 'patience' and continue in out quest. Now, this becomes a part of who we are.
Moving on. We make friends as we grow up. Or so, we thought they are our friends. We come to a certain point where we get hurt, caused by a betrayal of our 'so-called' friend. We get mad, say harsh and rude things and fight back to those people who are degrading our personality and capabilities. On these situations, we get confused and even doubt those people who are true to us. Here, we learn to adjust to people's personalities. We learn to think out of the box and look closely on the things that are worth-focusing on than those of a falling-apart friendship. By this, we grow strong and we stand tall, gaining more 'confidence' to face the trials that are yet to come.
Later on, we face problems within our family. We get so weak because we feel like we're being turned down by those who are supposed to be our 'support system.' We think of giving up, we think of breaking down and we think about the consequences if we would be rebellious and what difference it would make. We feel like the world is crashing down while we are still on it, thus, bringing us down with it. Seems like everyone left and there's no one to turn to. These times are the ones that are hard to fathom, bringing us to conclusions that are not even a bit true, but here, we adopt 'independence' and stand on our own two feet. We realize that, at these times, if we depend on others, it is certain that someone will disappoint us, if not now, maybe tomorrow or in the near future. Independence makes us smart, wise in times of decision-making, and strong enough to go on even when we can't see the brighter side. It gives us the vision of success if we strive harder, making us see that all things really do work together for good.
In summary, there are three important things we acquire from trials and shortcomings. Patience, confidence and independence. My essay is not yet finished. I have yet to face more challenges, definitely much harder ones and to pass thru all that, I must use those three attributes. So, now I go on. =)
- Alenel Calderon Bagtas (Geremia)
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: I love you, Sabado!
Once again, a week has come and gone. Classes resumes after 7 hours from now. It's already late and I'm still up. I slept for long hours during the day, so most likely, I would still be up by 3 in the morning. And God knows what would happen to me in my class this day. So .. please, spare me a minute to elaborate everything I did today, which were VERY (and I say that with emphasis. LOL.) productive.
I woke up at around before 9 or 9:30, I think. Had, merely, 2-3 hours of sleep. I am seriously lacking sleep at night, and I am loathing myself because I know this would go on and on if I won't do something to make it stop. So yea. Before totally getting out of the bed, I said my morning prayer, went to the toilet to wash up and went straight infront of my computer. I had no one to talk to, so I browsed the net, searching for something that would catch my attention. Since last night, there was this warning balloon that keeps on bugging me at the lower right side of my desktop. It keeps popping up, I think for the reason that it wants to annoy me (LOL!), or, there must be something wrong with my computer. As the great computer genius that I am, (oh, kamon!) I did nothing, but .. browse the net.
Until, it came to a point that I am so annoyed with it, cause it won't stop popping up. Baby taught me to do this and that with these and that. OMG, I was like, "What the heck am I doing again?!" >_< I. AM. SUCH. A. STUPID. PERSON. Especially when it comes to computers cause I only use the applications that are connected to the internet, or something that I need for my project in this, and/or that. So yeah, I am clueless on what I've been doing. All thanks to Baby ko for teaching my 'step-by-step' on those kind of things. LOL.
So .. okay. Virus was removed. My computer's okay again. I was bored so .. I went to sleep! Haha. I slept for like, 3 hours, I think? After that, went to take a bath, and again, net, net, net! Then iron-pressed my uniforms for this week, then .. NET. Okay, so I focused on my computer skills today. Everyday. Haha.
Chatted with Baby ko and others. Had a conference with Mahal and Zwiitheart. Ahem, RoxCiNel! Yehaaaay. Then, Sir Aris. Yeah, sharing of experiences. =)
And that is all. Productive, right? =D
Sige, at na-feel kong mag-nosebleed ngayon! =))
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: My Friday Rants.
Ugk. Pagod ako. Galing kami sa Abu Dhabi eh. Sige ha, pagod daw eh natulog lang naman ako sa byahe. Kamusta namang pagod yun? Haha. Ang boring naman kasi sa byahe eh. Walang maka-kwentuhan. Inaantok rin kasi si Mama kaya di mo makausap ng matino eh. Naka-text ko lang saglit si Sir Aris. Tapos ayun, wala na uhlet. Basta, boring talaga.
Anyway. Nandito sila Pastor Abante, kasama si Mrs. Abante at si Fog. Okay din, anniversary ng Abu Dhabi kanina kaya ayun, may joint fellowship kami dun. Puno nga yung flat nila eh. As in sobrang dami namin. Kasama rin kasi yung mga taga-Dubai, Ras Al Khaimah at Sharjah. So talagang mapupuno nga. Ayuuuuun.
Kahapon naman, sobrang pagod talaga ako. Panu kasi, nag-volleyball kami nung secondbreak. Eh MAPEH kami pagkatapos nun, so ayun. Dahil wala na naman kaming iddiscuss pa, pinag-P.E. na lang nia kami, sa ARAWAN! Sige ha, mamumuti kami nyan. Tapos sya, nandun lang sa may shade. Aba, sinuswerte. Hahaha. Eh habang naglalaro kami, yung mga 2nd year boys yata yun, naglalagay ng mga chairs dun sa may shade. Tinanong ko naman si Sir kung para saan yun, sa PTA meeting daw, which was held kanina. So yun, nung nag-C.A.T. kami nung thursday, dun din tuloy sa ARAWAN! Woooooo. Ang lagkit ko na nga nun, pawis na pawis ako. Bwisit.
Nako, tinatamad ako magkwento ngayon. Saka na lang uli.
Ay, shet. Exams na sa monday. Brrrr. =/
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Ok na.
Problema nga naman, makes you say things that you don't wanna say, do things that you don't wanna do, think about things that won't really happen. Kung iisipin mo, pag dumadating ang problema, we do/say things which we regret afterwards. Sa ngayon, I think nireregret ko yung sinabi kong 'feel ko lang lumayo sa kanya, para ok ang lahat.' `coz it won't be okay if I did stay away. Everything will turn to worse, mas mabigat siguro ang pag-take ko sa mga problema kung ganun ang ginawa ko. Mabuti na lang ..
Buti na lang talaga, nakapagusap kami kagabi. Ayun. As in sobrang iyak ako. Nabasa niya yung blog ko about dun nga, tapos syempre, nag-advice na naman sya. Tinatanong nia nga kung nagtatampo daw ba ko dun sa isa naming friend. Hindi naman kasi sa nagtatampo, I mean, kung ako, hinahayaan ko siyang maging masaya kasama yung mga bestfriends niya, edi hayaan na lang din niya akong maging masaya sa bagong kaibigan ko diba? Basta yun.
Eh, nabasa nia nga na umiyak ako sa school. Sabi nia, wag ko daw masyadong ipakita sa school yung soft/weak side ko, kasi they see me as a strong-willed and very determined person kaya madidiscourage lang daw sila kung makikita nila akong umiiyak. And I will be vulnerable to others, if they see me cry. They might use my weakness against me to try to bring me down. Syempre, ayokong mangyari yun. There are times na nagffall-apart na yung klase namin, but I was always the one who was strong for the class. I held on tight. I never let go. Ayoko namang mapunta lang sa wala lahat yun.
Basta, ok na ko, I guess. And, oh, ayun nga, sabi ko kasi sa kanya, natutuwa lang kasi ako, dahil naniniwala sya sa mga kaya kong gawin, lagi nia kong ineencourage. Kaya sa school, gusto ko lagi ko syang nakikita, lagi ko syang nakakausap, just to get me through the day, just to give me enthusiasm sa klase, para ganahan akong mag-strive harder. Pag nakikita or nakakausap ko kasi sya, lumalakas ang loob ko. Parang ganun. Tapos sabi nia sakin, "Friends will always believe in each other. Remember that." So .. sinasabi nia na friend nia ko. Hehe. Something to make my day good enough despite of all the pain I felt throughout the day.
Grabe. Kasama na sya sa mga 'most important people in my life.' =) Syempre, sino bang nangunguna dun sa listahan ko na yun? Teka, eto.
1. Aaron Flores Geremia. - Showed me everything I needed to see, gave me strength when I was being weak, was and is always there for me, no matter what. Loves me beyond limits, one who never lets me go despite of my bad side, knows me inside out, encourages me when I feel so down, annoys me yet makes me feel loved at the same time. One who gave his whole heart to me and is willing to give his whole life for me -- and I love him for that. My significant other. Soon to be husband, and a father of my future children.
2. Maria Elena G. Calderon. - My very loving mother who never runs out of patience with me, though I was/am being hardheaded. Never went to bed if I'm still out with my friends, stays up waiting `til I come home even if it's pretty late. Cooks the best 'ginataang chicken' in the whole wide world. Loves me for no particular reason at all. Gives me strength during the day. Worked hard just to raise her own children, a role model, loving mother, my bestest friend. My Mom.
3. Maria Theresa C. Reyes. - Tita ko, who showed me the real meaning of the word 'family.' One who was/is always there to listen to my problems, stand by me no matter what. Treats me as one of her friends, and not just her niece. Share secrets with me. Hardworking mom, with very strong personality, yet to know her inside, she is one of the funniest woman you'll ever meet. My tita.
4. Alysha Calderon, Geraldine Medina. - Cutest little monsters in the world. Haha. My 2 little sisters. Annoying, but very sweet. Syempre, cute. Mana sa ate. Oh, wag nang kumontra. I just love them.
5. 'Family' - Includes .. titos, titas, cousins and everyone else sa family ko. Everyone related to me by blood. :)
6. Church people. - Special mention si Ayah, Ate Sharon at Ate Riza. My two ate's and one super-crazy friend! Always patient with me, though there are tough times.
7. School friends. - Both here in Dubai and in the Philippines. :)
8. Mr. Isagani Leonardo. - Best English teacher, ever! Very professional, very dignified. Sweet, friendly and treats his students as his friends too.
9. Mr. Ariston Peralta. - Best advice-giver. Experienced in life, talented, smart, flexible, and easy to get along with. Bestest guy friend I've ever had. Well-known for being approachable in times of need. A role model, good father image, someone to look up to.
So far .. yan pa lang naiisip ko. They are the people that really matters to me. Kung may nakalimutan ako, I'm sorry. Basta, yan yung mga taong mahal ko at sa tingin ko naman eh mahal din ako. They are my life. Yun yon.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: Worst day?
Sabi nga nila, if we have the best days of our life, meron din, syempre, tayong worst days. And I think, that worst day for me is TODAY.
Ehwan ko ba, I just feel so tired, kahit wala naman kami masyadong ginawa dahil may program sa school kanina. Culminating activity namin kanina kasi Social Studies month namin ngayong October. So yun. At yung 'Imelda Marcos' thingy ko, kanina na yun. Hindi ko yata nabanggit dito yung about dun, pero yeah, yun nga. Nakasali ako sa gameshow namin, 16 students lang ang na-qualify dun sa buong highschool dept., at ayun nga, nakasali ako dun. 4 representatives per year level and each of us has to impersonate someone historical, and I am Imelda Marcos. Moving on. Walang nakapasok sa 2nd round galing sa 3rd year. 1st year, 2nd year at 4th year lang. Basta, in short, talo kami.
Ayun, nagtagal yung program na yun hanggang 11:10 ng umaga. Tapos nagklase lang kami, 1:45 na. Tapos uwian na ng 3:45. Ayuuuun.
Ano bang dapat ma-feel mo kung may nakaka-close ka nang isang tao, tapos kaya kayo naging close dahil dun sa isang kaibigan nio na tinulungan nio sa problema nia, tapos na-solve na yung problema nung friend nio na yun, pero dahil nga close na kayo, nag uusap pa rin kayo madalas tapos tawanan, tapos lagi mo sya kinakausap sa school, tapos sabi nung friend nio na tinulungan nio, "Bakit ka ganyan? Nasolve na naman yung problema ko, pero gusto mo pa rin lagi natin syang pinupuntahan." Ehwan ko ba, nasaktan ako eh. Tipong ang dating sakin eh ayaw niang makipagclose ako dun sa taong yun.
Kanina nga, nung last subject na namin, edi, T.L.E. class namin, eh may nagrereport sa harap. Nakikinig naman ako, tapos bigla kong naalala yung sinabi nung friend ko na yun, tapos bigla na lang akong naluha. Basta, iyak ako ng iyak nung T.L.E. namin, pero todo-punas naman ako ng panyo sa mata ko kasi ayoko namang may pumansin pa sakin. At hindi naman talaga ako umiiyak pag nasa school. Sa dalawang taon ko sa NF, kanina lang ako umiyak na dahil sa problema. Last year naman, umiyak lang ako nung nag-open forum kami at nung last day na ng pasukan. So, normal lang na maiyak ako nun. Pero yung kanina, grabe, hindi ko expected.
So nung uwian na, hindi ko na pinuntahan ung isang nakakaclose ko. Pinapunta ko na lang sila Jill at Divine para kunin ung notebook ko sa kanya. Tapos ayun. Hinintay ko na lang sila sa pila. Basta, nung uwian, malungkot talaga ako. Tapos tinitignan ko sya sa malayo, talagang naiiyak ako. Pero syempre, super pigil ang lola mo. Basta, feel kong lumayo na lang sa kanya. Para ok ang lahat, I guess.
Tapos nung nasa bus ako, tinext ko siya nung lyrics ng isang song. Song na about parting ways eh. Basta, pinarinig lang sakin ni Baby yun eh, sa Pokemon daw yung song na yun. Edi yun. Tinext ko nga sa kanya yun. As in ganito oh, "Time has come. It's for the best, I know it. Who could've guess that you and I, that somehow, someday, we have to say goodbye. Goodbye !" Oo, as in ganyan. Tapos nagreply sya, sabi nia, "Ngek! Bakit?" Tapos ayun, hala, nagtuluy-tuloy na yung luha ko nung nagrereply ako sa kanya. Sabi ko, "Hehe. Drama lang. Baka kasi hindi ko na 'to magawa bukas, or kahit kailan. Blahblahblah." (Nakalimutan ko na kung anong nailagay ko eh, nasa phone ko kasi eh na kay mama pa yung phone ko ngayon kasi nalaglag ko sa car kanina pagbaba ko.) Basta yun. Basta, iyak lang ako ng iyak. Ehwan ko kung bakit.
Pag importante nga naman ang tao sayo, talagang iiyakan mo no?
Ohwell. Ganun naman talaga ang buhay diba? May mga dadating sa buhay mo na tuturuan ka lang ng leksyon. Mga magpapakita lang sayo ng mga bagay dapat mong bigyan ng halaga, tuturuan ka kung panu mo makikita ang tama at ang mali. But they're not meant to be with you forever. One day, they'll just vanish as if they are ashes blown by the wind away.
Haaaay. Life.
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Taken from Multiply.
Title: October 18, 2007 - Present.
Hm, I guess marami akong dapat ikwento ngayon. Haha. Ang tagal kong naging inaktib dito sa Multiply eh. Kawawa naman tong account ko. Ngayon, nakapagdagdag na ko ng new pics. Haha. Grabbed lang lahat yun sa Friendster ni Nicole eh. So .. Lemme start.
October 18, 2007. It was nothing but an ordinary day to every student of NFPS pero samin, hindi. Syempre, birthday celebration namin para kay Sir Aris. Basahin nio na lang sa photos ung details about sa birthday nia. Nandun naman eh. Masaya lang kaming lahat talaga. Iyakan blues, syempre namimiss na namin si Sir. Hindi naman kasi kami madalas na magkita sa school. Er, I mean, hindi na kami madalas magklase. Ang pangit kasi nung schedule namin this year. Mas gusto ko pa nga last year eh. Kasi noon, sa first 3 days of the week, si Sir Aris ang first period namin. Tapos ung 4th day of the week, wala kaming klase sa kanya. Tapos sa last day of the week, 2nd period namin sya. See? Isang araw lang kaming walang klase sa kanya. Eh, this year, sunday, wednesday at thursday lang ang klase namin. Pag sunday pa, after pa ng second break, pati pag thursday. Tapos pag wednesday naman, first period. Kaya yun. Di namin sya masyado nakakabonding. Basta, masaya nun. Yun yon. :D
Then after nung party, as usual, makalat sa room. Natapon ung softdrinks, ung mga pagkain, alam mo na, clumsy kaming lahat eh. Ako naman, hindi ko alam kung anong nangyari sa katauhan ko at nasabihan ko ang klase na maglinis. At dahil ako nga ang dakilang amplifier ng classroom namin, narinig naman nila. Una, papunas-punas lang dito, diyan. Ganun. Hanggang sa tumagal, kumuha na kami ng mop, ng walis, tapos pinagilid ko na ung mga upuan namin para malinisan sa gitna. As in general cleaning talaga! Hindi kasi nagklase samin si Sir Marlon nun, kaya yun nga, naglinis na lang kami. Tapos sunod pa nun, break namin kaya tuloy-tuloy lang. Tapos si Ms. Rey ang next teacher namin, Science. Eh sabi nia nung wednesday, hindi daw kami magkklase, magdedesign lang daw ng room. Kaya yun, tuloy-tuloy na talaga. =D Nagklase lang kami nun sa Filipino eh, tapos sa Math, nagcheck lang nung Mastery Test namin. Tapos kasi ng Math, break uhlet. Tapos P.E. Ayun, nagpa-P.E. si Sir Aris. Tapos nun, C.A.T. class na yung sunod.
Eh that day, may problema si Nicole. And the night before that, nabanggit nia yun kay Sir Aris sa YM. Eh, na-DC sya, so naputol ung conv nila. Sabi ni NIckz, tuloy na lang daw nila sa school. So kami naman ni NIckz, very eager kaming makausap si Sir. Eh hectic ang sched nia. So nung C.A.T. na namin, pinatawag kami ni Sir Aris sa computer lab. Kaming dalawa lang ni Nicole. So, definitely, excused kami sa C.A.T. dahil inexcuse kami ng Commandant namin diba. Ayun, heart-to-heart talk kami sa computer lab. Ang dami ko ngang natutunan eh. Ang dami ko ring nalaman.
Natatawa nga ako eh. Sabi kasi ni Sir Aris, saglit lang daw kami. Kasi nga may C.A.T. pa. Kamusta naman diba, at narinig na lang namin bigla yung bell! =)) Na-carried away kami masyado. Harhar. Atleast diba, mas marami pa yung natutunan ko kesa dun sa C.A.T. class na yun. At buti na lang, wala kami dun ni Nicole dahil pinahirapan ata ng mga fourth year yung mga kklase ko. Alam nio kung bakit? Haaay naku.
Mukhang mainit yata ang dugo samin ng mga fourth year. Ehwan ko lang ha, kasi 'sources' told me na parang nagseselos daw sila samin kay Sir Aris. Ay, naku. Pwede ba. Wala kaming ginagawang masama, tapos pahihirapan kami sa C.A.T. Langya, personalan pala ah. Hmff.
Edi yon. Uwian na. Nagpunta kami kila Joan. Binisita namin sya kasi nga nag-stop sya. So yun. Ako, si Nicole, Karla, Virmie, Maricone at Abby. Masaya. Grabe! As in, ang gulo-gulo namin. Wala ngang hiya-hiya eh. Parang bahay na namin yun. Haha. So kapal naman the faces. =)) Nag-webcam trippings kami sa laptop ni Joan. Saka ko na ipopost yung mga pictures kasi tinatamad pa kong igrab sa friendster nia eh. Basta, madami yuuuun!
Tapos ang funny part dun eh, nung paalis na ko -- sasabay kasi ako kila Kuya Nilo -- hinatid nila ako sa baba nung building. Eh nasa kabilang road sila Kuya Nilo, so kailangan kong tumawid. Eh dahil daw 'united' kami, sasamahan daw nila ako. Woooo. Kamusta naman at ang daming cars diba. =)) Ang tagal namin bago makatawid. Hawak-hawak pa kami ng kamay. =)) Tapos habang tumatawid, tawa kami ng tawa tapos sigaw pa kami ng sigaw. Edi nakarating na kami sa gitna. Isang tawid pa, bale. Tawid kami uhlet, eh naiwan sila Karla at Joan sa gitna. Hindi kasi sila nakatawid nung tumakbo na kami. Ayun. Tapos ang tagal nakatawid nila NIckz. Haha.
Well. Fun ended right there.
Friday, nasa church ako. Busy.
Saturday. Grabe. Mas busy. At kung yung thursday ko eh masaya, kawawa ako nung sabado. Inulan na ng schoolworks, binagyo pa ng problema. Kawawang Alen. Nakisilong na nga lang ako kay Sir Aris eh. Tsss.
Ohwell. Everything's fine now, I guess. Yun na siguro lahat. =)
UPDATES!
I'm happy, though I'm sad.
Sorry naman, people! Ngayon lang ako nakapag-update dito! HAHA. Mas updated ang multiply ko. Anyway. I'll just copy-paste everything. ;p LOL. I'm so tamad to elaborate!
Taken from Multiply.
Title: Happy Birthday Sir Aris!
Syempre, may isang entry ako na para lang sa paborito kong guro diba? Haha. Yun lang, Happy Birthday Sir Aris. Kahit na sinabihan nio kong 'same to you' nung nagwish ako para sa inyo na 'more babies to come!' Haha. Ohwell. Kahit ganyang maloko yang si Sir Aris, langya, sobrang mahal ko yan. Weh, lahat na ata ng estudyante sa NFPS eh. Wala namang hindi nagmamahal dyan kay ser. Mahal na ng lahat yan eh. Hahaha. Ayuuuun. Wala lang. Berdey nia eh. Luko nga eh, wala mang lang handa. Hehe. Kaso, diba, sana lang may klase kami sa kanya kanina, kaso wala eh! Grr. Yun ang nakakainis eh. Waaaaa. Infairness, nakapag-palubag naman ng loob ko ung tinext ni Sir na .. "Kulang nga ang bday ko kasi wala kayo eh." Wootwoot. Namiss pala kami ni Sir. Haha. Sya, sigi. Yun lang. :D