my boring holiday.
Sunday, October 14, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Wala eh, inaantok ako. Kaya wala masyadong kwenta tohng update ko. I just thought I'd post an update kasi matagal-tagal na rin akong di nakapag-update. Nung wednesday pa ata ung last ko. Ayun, ang boring ng holiday ko. Wala naman masyadong magawa. Haha. Nung thursday, nakipagchat lang ako kay Aaron, tapos nagpunta na kami sa church nung gabi kasi may choir practice.
Nung friday naman, nagsimba ako. Back to School Friday namin nung friday eh. Ayun, nandun ung ibang mga kklase ko at mga schoolmate ko. Masaya naman. Tapos sinama ako ni Ms. Nazaret maghatid sa kanila. Okay naman.
Kahapon naman, saturday. Nasa church pa rin ako, kasi cleaning day. Though hindi ako masyadong tumulong. Nag-ayos lang ng mga piyesa ng songs sa mga folders, sa may piano, ganun-ganun. Nagpunas-punas lang onti. Wala eh, namimiss ko sila Ayah kaya di ako makapagconcentrate. Waaaaaa. Tapos kumain lang ako. Haha. That was the 'best' part, I think. ;p
Ngayon, sunday. Wala pa kong nagagawang something productive. Haha. I am soooo tamad. At syempre, may mga projects pa ko na gagawin diba. Haha. Crammer! Mamaya na ko gagawa. Sa ngayon, hindi pa gumagana ang utak ko eh. Kachat ko lang si Aaron ngayon tapos eto, naguupdate ng blog. Sa totoo lang, inaantok ako, kaya sige, matutulog muna ako! =))
eid.
Wednesday, October 10, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Haaaay salamat naman! Dumating na rin ang pinaka-hihintay kong holiday! Wootwoot. Eid. Haha. Ayan, ang haba tuloy ng bakasyon namin! :D Wala na kaming pasok bukas hanggang monday or tuesday ata. Sana nga wednesday pa eh. Ay, umabuso ba? :)) So yun. Edi masaya. Walang pasok. Wootwoot.
Oh, that girl I was telling you about. Grabe. Nakakainis sya kanina. Nagvvolleyball kami ng mga kaklase ko nung uwian eh, pumunta ba naman sa gilid namin tapos pinapatugtog ung cellphone niang bago, nakatapat pa sa megaphone. Leche. Hmf. Ihagis ko ung cellphone nia eh. Grabe talaga, lumaki na ung ulo nia. Nagka-hydrocephalus na ata un eh. :))
Ayuuuun. Tapos si Sir Aris kanina, hindi kami pinag-P.E. :( Kasi daw, walang nakapasa dun sa last quiz nia na absent naman ako. Ayun, nagdiscuss lang kami about hazardous waste chuva ek-ek. Di masyadong interesting pero ok din, pag si Sir Aris naman ang nagtuturo, lahat nagiging interesting eh.
Tapos ayun, edi the whole day, sad kami. Haha. Wala kasing P.E. eh. Pero nung science namin, habang nag-rereport ung group ni Melanie, sila Jasper, Jerry at Paul, nandun sa classroom namin at sila ang nagdedecorate. Haha. Kasi sinabihan sila ni Ms. Rey. Lol. Kamusta naman diba, lalake pa ang nagdecorate ng classroom naming girls. Laughtrip itoooo! :)) So un. Parang wala din kaming klase. Kase yun nga, busy sila mag-decorate. ;p
Tapos nung C.L.E. naman namin, nakiusap kami kay Sir Marlon kung pwede bang mag-P.E. na lang kami. Nung una, ayaw pa nia eh. Hehe. Pero nung huli, pinaglaro nia din kami sa labas. Naglaro kami ng "Catch the tail." Haha. Funnnyyyy! :)) Ung may dalawang group na nakalinya tapos kailangan ma-touch nung nasa harap ng isang group ung pinakahuli sa group mo and you do the same. Hahahaha. Ang kuhlet. Panalo kami. :D Haha. Kasi hindi dapat magkaka-watak-watak ung line nio eh. Oh, btw. Kapit-kapit pala dapat un. So un, nakayakap kami sa isa't isa. :)) Badtrip lang eh, SANDSTORM! Grr. Ang sakit sa lalamunan. Panu kasi, edi sigaw kami ng sigaw tapos ung buhangin naman, napupunta na sa bibig namin dahil nga sa hinayupak na sandstorm na yan. Leche.
Tapos nung science uli (2 periods kasi kami eh) nagtakip lang ng mga censored sa book.
Nung math naman, nagquiz kame. Medyo easy. Geometry kasi eh. Mas gumagana talaga utak ko dun eh. Pag algebra, langya, kawawa ako. :))
Tas break. Tas T.L.E., nag-quiz lang din. At nung english, nag-quiz kami pero nag-P.E. after ng quiz. :D Yaaaay! Haha. Kaso, dahil nga sandstorm sa labas, hindi na ko lumabas. Tambay na lang at picture-picture sa classroom.
Wala eh, boring ang araw ko ngayon. Yan lang ang happenings. :]
happy birthday.
Tuesday, October 9, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Ayan, unang una, happy birthday sa tito ko. At syempre diba, kunwari, nababasa nia to. ;p Ayuuuun. Tuwa ko lang, nag-take out sya ng pizza. Haaay. Namiss ko rin ang Pizza Hut eh. ;p At syempre, ang dami kong nakain diba. Haha. Ang sakit nga ng tyan ko ngayon eh. Ayuuuun.
Actually, I was supposed to post a new entry na kahapon dito sa blog ko. Eh pagkatapos kong gawin ung permission letter na kailangan for Music Guild, nakalimutan ko nang magbblog pala ako so in-off ko na tohng pc. Ayuuun. Tinamad na kong buhayin uhlet kaya hindi na ko nakapagblog. Medyo marami din akong kwento. ;p
So .. Lemme start. Saan nga ba ako magsisimula? Hm. Sige, let's start with this girl sa school. She's new. Naging close kami, somehow. Pero nakakainis na sya. Grr. I hate her now. I barely talk to her. And I don't know if she has any idea. Kasi naman, napaka-flirt and all. Alam mo yun? Nakakabanas. Nandun sya lagi kung saan may lalake. Amp. Tapos pag nagkkwento sya, puro na lang tungkol sa lalake. Na kesyo nag-hi daw sa kanya si ganito at si ganyan. Nag-bbye daw si ganito. Tapos nakita daw ng gf ni ganyan na dinial ni ganyan ung number nia at mukhang nagseselos daw si ganito. She keeps on telling me (and the others) how her mom is indirectly, somehow, pairing her up with her officemate's son, who happens to be someone else's boyfriend IN OUR SCHOOL. Alam mo yun? Nakakabadtrip sya. Mukhang sabik na sabik sa lalake. Tapos eto pa, she got her new phone. Actually, hindi sya new. Old phone ng dad nia. Aba, sobra nang maka-lantad ng cellphone! Napalitan lang ung phone nia, grabe na kung idisplay ang cellphone. Anak ng. Tipong pag sasakay ako sa bus tuwing umaga, ang lakas lakas ng pinapatugtog nia. Samantalang dati, pinapahinaan nia ung sounds ng iba naming ka-bus. Langya. Ako nga na bago rin ang cellphone, hindi ko masyadong ineexpose ung phone ko eh. Duh. What's the point? Tssk. So yuuun. I hate her. X(
Next .. Hm. Ayun. Nung sunday, I was absent coz I was sick since friday night. Tapos I got a comment from Sir Aris, he's asking me why I was absent and told me they had a quiz that day. Sabi pa nga nya, "Yari ka. :D" haha. Ayuun. Wala lang. Miss nia lang ako. Lol. Honestly, I admire that guy. Role model ko talaga sya. Kasi he's very smart, talented, funny. Alam mo yun? Yung talagang qualities na hahanapin mo sa isang guy, nasa kanya na. I'm not saying he's perfect, no one is perfect. I'm just saying na he's good. Seriously. And I am glad that we've come across each other's path in this lifetime. :)
I saw Ishy's profile and I just realized that I am not alone. Yehaaay! I feel her. :) Sometimes, we just need to believe in ourself to make the most out of things. We are never obliged to please anyone. Only God alone. Kaya let's be ourselves. So what if they doesn't wanna be friends with me? Sabi nga ni gerlpren (Divine), it's not my loss. It's theirs. Haha. OMG. I pity them. :))
I am happy. Kasi there these two friends of mine who just migrated to somewhere else. One is in Australia and one is in Qatar. But despite the distance, we remained as friends. We talk on the phone, call/text each other, chat, basta we keep in touch. And I am so happy. Kasi distance never became a hindrance for us. :) Special mention, Ayah and Francine. :) I love you both.
So I was browsing through my old journal yesterday and I eventually came across with my topic about the things that a 'perfect' guy would do. I wrote everything in there. Everything I got from the internet. Everything that came to my mind. Mostly, its about how I wish Aaron would do things like that, how he would be more special if he was this and he was that, how I want him to change, to be more sweet, to be more showy with his feelings. After reading all those and reflecting for some time, I came to realize that he is more than that perfect guy. He more that everything I ever asked for. And he did change! Okay, I dunno what his life was like before we met but sources (haha, sources e no?) told me that he wasn't like this before. He wasn't selfish with his girl, he wasn't sweet, he was just not the 'ideal boyfriend' back then. And now, as I said, he's more than enough. He's selfish when it comes to his girl, ahem, and I love him for that. He's sweet, though sometimes, I say he's not. Basta. I love him. He loves me. UN ANG BOTTOMLINE! ;p
And again, I came to realize that there are people who will just come to your life to make you see that some things weren't really meant to last. Ahem, friendship, ahem. Hala, eto na naman ako sa topic na toh. See, this is how it works. You meet people, you befriend them, you gossip, then you talk about personal stuffs, and you watch for each other's backs. When you stop seeing each other, it doesn't really mean you stop your friendster, este! Friendship pala. Diba? You go out together every once in a while and even if you have a whole new set of friends, they are still different. Right? So why can't I see this now? Nabubura na sa isip ko ang totoong meaning ng salitang 'friends.' I've been here in Dubai for almost 4 years now and still, I have noooooo idea how many 'real' friend I've made throughout that almost 4 years. Haaaaaay. Tama na nga. I should be happy. ;)
And oh, btw, I'm Imelda Marcos na uli for the Social Studies Gameshow chuchu. Hindi raw kasi well-known si Condoleezza Rice sa school namin. Aba, ehwan ko na dun sa mga schoolmates ko, hindi ata nagbabasa ng newspaper o nanunuod man lang ng balita! Amp. :))
Osya. Un lang. ;)
Sshhh.
Saturday, October 6, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Hmm. I've always wanted to post something personal dito sa blog ko. I've always wanted to share something about how I feel with certain things. Yung something that no one would ever know, something that no one would ever feel how much pain I feel if they weren't in my place. Kaso, people think of me as the funny, loud and the 'not-serious' person. They know me as the one who's always laughing and making people laugh. So I kind of feel like I can't post anything pertaining to my inner feelings. See, if people see you as the who's always there to make other laugh when they're down, it feels like you can't be weak infront of these people. Now, that's something personal.
Really, I am not that strong. I ran across my previous post sa multiply blog ko. Oh, wait, I'll post it here.
Hm. This is my first post from the Philippines. Ooh. It`s friggin` hott in here. Though not like Dubai`s heat. That one`s terrible. er, horrific? Whatever.
"Previously, on Roswell..." -- That line. That`s what I`ve been missing for the past 3 months now. ROSWELL! I miss him, Max Evans. It`s been a long time na rin since I last talked to him. Haha. Close? Nah. Feeling ko lang.
Hm. What else? Aah. Mutya Buena. I love her! Especially her song, REAL GIRL. "I never pretend to be something I`m not. You got what you see when you see what I got." Nice, right?
Updates on me? Hm. Lately, I`ve been having this feeling that anytime soon, I`m going to consider giving up. Not now though, but anytime soon. I`m tired of being strong for myself, for others, for holding up all my emotions just to show them how strong/capable I am. BUT I AM NOT. I am not strong, not even capable of doing things that I must do. I know I can`t refer to myself as the "real girl" that Mutya is talking about. Maybe, I am pretending. Pretending, from the beginning, that I can stand up for myself, be myself, and fight for what is right. I hate it, though I keep doing it. I`d just like to sit up straight, erase any memories in my mind, && start all over again. I`d like to be a new person, a new individual.
One day, I will be.Ü
See what I'm talking about? I am not strong. Not even the least near from it. Strong is a big word for me. Something that I cannot handle. So yeah, those of you who thinks I'm all this and that, I just proved you wrong. I am something you have never ever imagined. I am special. :) Oh, yess, I am!
I feel so insecured when it comes to friends. I have made my image to people that I am not someone to be friends with. I am bossy, bossy, bossy, and oh, did I say bossy? :( I hate it. I don't wanna be the one who always eats alone in the room. Uh, well, I don't eat alone. But sometimes, I feel like I am alone.
Though, there is one thing that I am fortunate with, though. I have a great, super loving and understanding boyfriend-slash-friend-slash-brother-slash-daddy-slash-HUSBAND-slash-baby. Ang haba nu? Lol. I love him. He loves me. Now that is enough to make me believe that I can be strong and that I can stand on my own. ;)
ang daming happenings.
Friday, October 5, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Haaaay. Grabe! Ang dami talagang nangyari saken today. Wag na natin i-elaborate ung mga walang kwenta at mga nakaka-antok na moments ko kanina. Hahaha.
1. We're having a Social Studies month this October. At magkakaron daw ng gameshow para sa culminating activity. Each year level, there'll be 4 representatives. So, nagpa-quiz si Sir Marlon samin. Ung first part, about sa lesson namin, I got 27 out of 30. Tas ung second part, ung about sa general knowledge/informations, like kung sinong presidente ng mga chuva-chuchu, ganung stuffs. I got 4 out of 20. Wag ka, second to the highest yun. 5 lang ang highest nun eh. Haha. Si Nicole at Izza, pasok na for the gameshow. Nung nag-quiz sa boys, isa lang ang nakapasok, si Paul lang. So, kulang pa ng isang representative. So lahat nung naka-27 sa first quiz (5 kasi kami), pinag-quiz ulit. I got 3 out of 5, which is the highest kasi ung iba, 2 at 3 lang ang nakuha. Kamusta naman at puro panghuhula ang ginawa ko diba. So yeah, pasok ako sa gameshow! Oy, teka lang. Wag kang excited! Meron pa eh. Each representative has to portray one historical/worldwide known person. Nung una, I was supposed to be Imelda Marcos, eh world history daw kami, at sa ibang year level ata ung Philippines. So un. I hafta change. So naging si Condoleezza Rice na lang ako. Hahaha. So un. Nicole will be Cleopatra, Izza will be Evita Peron, at nakalimutan ko na kung sino si Paul. Basta, roman soldier sya. Hehe.
2. Kanina nag-open ung mga clubs. First choice ko talaga ung instrumental club eh nung pumunta ako dun, wala man lang highschool dun! Amp, puro mga elementary, so I changed my mind. ;p Instead, nagpunta ako sa Music Guild. Hindi naman ganun karami ung sumali. Kamusta ka at naging president pa ko diba! Wahahaha. Ayun, marami na kaming naka-line up na projects for the whole school year. :)
3. Birthday ni Michelle. So we (Melai, Donne and I) went to City Center Deira. It was soooo boring kasi Ramadan plus, wala pa kaming masyadong pera. ;p Lol. So ang ginawa na lang namin eh nag-internet. :)) Haha. Er .. tas naghintay kami ng Iftaar. At habang naghihintay kami, nagsasayaw sila Donne at Melai. Haha. I met new friends din. :) Si Claudine at Dorine (ay, ehwan na lang sa spelling. ;p)
4. Lastly .. sinundo kami ni Mama sa CC. Erm, pagsakay ko sa car, okay, seatbelt and all. Ayun, nagdrive na sya papunta sa Sharjah. So nung nasa may Al mulla na kami, sabi nia, "Alen, may motorola ako dyan, yan na lang muna ang gamitin mo." So tinignan ko. Aba! At V3i ang laman! Naka-kahon pa. Hindi pa masyadong gamit. Amp. Kagulat ever naman! :)) Tas un, binigay na sakin ni mama. So in short, I have a new phone! Wootwoot. Eto oh.
So yeah. That's how my day went. And I am soooo happy.
La la la laaaaa. Haha.
Oh, and by the way, it all happened on October 4, 2007. :) Kamusta naman at monthsary pa namin ni Babyko. Weeeee!
updates.
Wednesday, October 3, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Ha. Nakatakas ako sa net! Haha. Nasa BS sila Mommy eh. Di na ko sumama. Pagod na ako. Washooo. Lol. Seriously, pagod ako. Ang layo ba naman ng pinapasukan ko eh no! Anyway. Marami-rami din akong updates. Haaay. Buhay.
First of all, 4th of October na bukas. Monthsary na uli namin bukas. Haaay. Ang tagal na rin namin. Waaaa. Seriously. Imagine, simula December 2003. Tssk. Kamusta naman at October 2007 na ngayon! Haha. Pero syempre, may mga up's and down's din kami. Though we know how true our love is, ilang beses na din kaming nag-break. Just like nung saturday. Yeah, nagbreak kami nung saturday. Wag na natin ungkatin kung bakit at pano. Let's just say, we talked and managed to, again, save our relationship. Haaay. Ayun. Masaya lang ako. :)
Ano pa ba? Iba talaga pag sikat sa school no? Tssk. May advantages at disadvantages. It's either people will idolize you or people will say mean things behind your back kasi naiinggit sila. Haha. Honestly, I never even thought I'd feel this way kasi nagtataka ako dati why some people are pissed off with those who tries to imitate them. Pero ngayon, aba, ehwan ko na lang! Parang ehwan kasi eh. Last year, ung pirma ko ung ginagaya nia, tapos ngayon naman, ung "official" hairstyle na ginagamit ko this year. Grabe makapang-gaya. Ang bungad pa sakin kaninang umaga, "Uy, pareho tayo ng hairstyle oh!" Amp. Parang ako pa ung nanggaya. Leche. Eh first day pa lang, ganun na hairstyle ko. Oh, wag ka, may proof ako!
Di masyadong halata, pero yeah, ako ang unang-unang nag-ganyang hairstyle nung first day sa klase namin!Ay naku! Basta, ung hairstyle na ang naka-tali lang eh ung sa gitna, tas naka-lugay na. Oh, basta. Yun na yun! Leche. Nababanas tuloy ako. Feeling masyado eh. Haha.
Anyoo. Yun lang. Er .. Kanina pala, nanuod kami ng "King Arthur" sa school. Waaaa. Nawindang ako sa story. Infairness, nanuod talaga ako ah! Kahit hindi naman talaga ganun ung mga tipo kong movies. Haha. Ayun, at na-hook talaga ako ah! Bwahahaha. Hindi ko lang nakita si Modred, si Kay, si Ector. At kung anu-anong scenes pa ang modified. Dahil sa literary text based story, magkaka-affair si Guinevere at si Lancelot tas maglalaban si Lancelot at si King Arthur. Eh dun sa pinanuod namin, napatay ng Saxons si Lancelot at hindi naman pinakitang nagka-affair sila ni Guinevere. At sige, nagkwento na ko ng King Arthur dito. :))
Wala, wala. Un lang. ;p