sunday.
Sunday, September 9, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Wala na akong maisip na magandang title eh, kaya sorry naman! Puro days na lang. Harhar.
So ngayon.. Er, wala, pumasok lang ako. Uniform na kami ngayon, which is actually good dahil atleast, hindi na kami mamomroblemang mag-isip ng isusuot. Haha. Yun lang, dahil bago pa ung blouse ko eh medyo makapal pa ung tela kaya mainit. Er. Pawis na pawis nga ako eh. Naka naman, talagang nagbabawas ng fats! Haha. Kinakarir ang diet. Bwahaha.
So.. Anu pa ba? Er, officially open na ang SCO week. May party na kami. I mean, complete na. :) Yaaaay! Finally! Lol. And as planned, ako ang Campaign Manager. ;) Naks. Kaso naman, wala na raw ata kaming Miting de Avance! Grr. Kase daw, Ramadan! Huwalangyang Ramadan yaaaaaan! Panira e! Bahala na!
Er, tapos... Ano pa? Hmm. Maluwag na kami sa bus pag umaga at pag hapon. Yaaay! Kasi sa ibang bus na ung mga taga-Karama. So ang kasama ko na lang sa bus eh ung mga taga Satwa at Bur Dubai. Well, dalawa lang naman ung hinahatid namin sa Bur Dubai. Ayuuuun.
Anyoo. I just feel like posting it here. ;p Camille Prats is preggers. Haha. We-ell, she's in the right age na naman eh. 22 na sya. Matanda na, may sarili nang pag-iisip. Siguro kaya lang iniisip ng ibang tao na she's too young eh dahil ang nakikita nila eh ung Camille na bata pa. Ung "childstar" chuchu. Harhar. Kaya un. Pero not sure pa kung sino ang tatay. Kung si Paul Soriano ba -- whose mom is my tita's churchmate -- na boyfriend ni Toni Gonzaga ngayon. Lol. Chismis ito! Hahahaha. :)) Ang rumours kasi eh Camille and Paul were dating like 5 months ago. Camille is 4 months pregnant. Pero sabi ng mom ni Camille, Anthony daw ang pangalan ng tatay nung baby. Ohwell. Buhay nila yun. Lol. Tama na nga. ;p
May isa pa kong chikka. Ung tungkol kay Criz Mendez. Kawawa yun. Tssk. Sya ung guy na napatay dahil sa hazing of Sigma Rho -- a fraternity under UP. Graduating na daw un eh. Tapos nagka-ganun. Tssk. May nagdala na lang daw sa kanya sa hospital nung naghihingalo na. After ilang minutes, the doctor announced him dead. :( Kawawa ung parents nun, nasa probinsya kasi sila. Akala nga nila, prank call lang ung tumawag sa kanila saying that their son was dead. Gosh. Kawawa lang talaga. Iba na talaga ang mga fraternities ngayon no? Unlike before. Maraming politicians ang mga member ng frats. And inadmit nila na hindi ganyan ang mga fraternities dati. Nasa tao naman kasi yan eh. Matino ang mga frats dati. Tumutulong sila. Hindi sila ganyan ka-brutal. Pero ngayon? Parang napagkaka-tuwaan lang nila ung mga sumasali kaya todo-hampas naman sila. Grr. Bastaaaa! Naiinis ako! Grr.
Mabuti na lang si Aaron, hindi mahilig sa mga ganyan-ganyan. Harhar. :))
Naalala ko tuloy nung nagka-issue samin ng S.I. Harhar. Enough. *zipmouth. Hahahaha. :))
Tapos ung balita pa about dun sa 7 years old na batang ni-reyp at pinatay tas pinagkasya sa travelling bag. Ugk. Grr. People are really sick today. Yung yaya pa ang suspek. Tssk. Pinagkatiwala nga sa kanya ung bata eh. Gagu din yung yayang un eh nu? Grr.
Kaya nga ung sabi ng iba dyan diba, You must trust no one. Harhar.
Osya, sya. Un na lang.