ordinary boring day.
Monday, September 3, 2007
I'm happy, though I'm sad.
So.. as like my many days, my day today was fine. Haha. Ang gulo. Naguluhan ako dun ah. Lol. So anyway, ayun nga. Okay naman ung araw ko. Only that, inaantok ako SUPER sa klase kanina. Panu kase, ilang days na rin kaming puyat. Mula nung thursday. Til now. Dis-oras na ng gabi kami nakakauwi kasi nga nandito nga si Pastor BMA. Ayun, sinulit ung time na nandito sya. Kaya hinabaan nia ung mga preaching nia. Ohwell.
Tapos, I prefer pa to spend more time with Ayah and her family. Kasi, go na go na talaga sila on tuesday! Akalain mo un? SA TUESDAY NA SILA AALIS! Kamusta naman, hindi pa ko ready! Waaaaa. Kasi naman. Kasi naman. Kasi naman. Oo na, mananahimik na lang ako. Wala na naman ako magagawa eh. Kanina nga, pagdating ko sa kanila, waaaaaa, they're making impa-impake na. Waaaa. Haha. Ampanget naman pag taglish. ;p Lol.
Wala masyadong happening sa school. Medyo boring nga today eh. Panu kasi, inaantok nga ako. Haha. May bago pala kaming teacher sa Arabic. Nag-resign na kasi si Ustad eh. Lumipat na ata sa Cambridge. Nakakainis nga ung bagong teacher na yun eh. Kasi ayaw niang isulat sa board ung way of pronounciation nung mga arabic words. Eh kay Ustad Ahmed dati, sinusulat nia para mabigkas namin ng mas mabilis. Eh etong bagong teacher namin, ayaw nia nga! Kamusta naman, parang lahat naman kami eh genius sa Arabic eh no? Lol. Bahala sya. ;p
Shet, malapit na mag-Ramadan. Yehayyy! Mas maaga akong makakauwi nyan! Wootwoot. Mga 4pm siguro or basta, bago mag-5pm nandito na siguro ako sa bahay. Yeheeeeeyyy! Cut-short kasi ang mga klase pag Ramadan. Imbis na 3:45, 12:50 na kami pinapalabas. 12:50 ba o 1:50? Hala, hindi ko na maremember eh. Basta, ganun.
At oo nga pala, nandyan na si Ms. Rey. Ung adviser namin. Kakabalik lang from the Philippines. Wala pa sya last week eh. Kaya hindi kami nag-science last week.
Ay, shet! Oo nga pala, election ng classroom officers bukas. Amp naman, absent ako! Waaaaa. Kasi masama daw pakiramdam ni mama, kaya sabi nia wag na raw muna ako pumasok. Waaaa. Bahala na. ;p Lol. Anyway, hindi naman requirement ung pagiging classroom officer para maka-takbo sa SCO eh. Nako, hindi ko pa nga alam kung tatakbo ba ko sa SCO. Nalilito pa ko eh. Panu kasi, una, hindi ko alam kung anong posisyon. Pangalawa, syempre, may mga praktis chuva yan. Eh hello?! San ba ko nakatira at basta-basta na lang ba ko magpapa-iwan sa school for practice? Uh-uh. No way. At pangatlo, wala akong funds. ;p Lol. Parang sa politika talaga e nu? Bwahaha. Basta. Ehwan. Wag na lang kaya muna nu? Ohwell. Bahala na.
At seriously, inaantok na ko. 2AM na eh. Kahit hindi ako papasok bukas, gusto ko nang matulog. ZZZZZZZZZ.