hinayupak na ramadan.
Friday, September 14, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Oo, tama! Yun nga ang title ko ngayon! Badtrip kase eh! Grrr. Akalain mong i-dismiss kami ng 1:50 ng tanghali tapos paghihintayin kami hanggang almost 3pm sa school quad! Kamusta ka at ang taas ng araw! Hinayupak pang Ms. Corpuz yan! Nag-sa-suggest lang naman ako na pasabayin na lang ung mga bata samin dahil 1 hour lang naman ang pagitan ng dismissal namin. Aba, kung anu-anu na ang pinagsasabi. Kung bakit daw ung mga bata ang maghihintay samin and all. Kung sinu daw magbabantay dun sa mga bata. At kung anu-anu pa! Actually, may point naman sya eh. Kaso, kami? Hindi ba kami naiinitan? Hindi ba kami nagugutom? Langya. Ramadan pa! Naghihintay kami sa labas eh ni hindi nga kami makainom ng tubig sa public dahil sa hinayupak na Ramadan na yaaaan! Grr. Mas iniisip nia ung mga bata eh. Duh. Yung mga bata lang ba ang nagbabayad?! Hinayupak na yan. Leche!
Tapos, kamusta naman, bumaba ako sa may clock tower para pumunta sa city center dahil sasabay na lang ako kay Ate Sharon. Eh maglalakad lang ako. Tas nalito na ko pagbaba ko. Hindi ko na ma-determine kung nasan ung City Center. Pwede naman palang dumirecho na lang ako tapos kakaliwa. Ginawa ko, naglakad ako pabalik. Tapos kumanan ako. Ang labas ko eh dun sa may main road, sa may Ponderosa. Tapos, edi lakad ako sa may Dnata, tapos sa may Gift Village! Ayun! Buti na lang, nakita ko rin ung hinayupak ng City Center na yan! Bwisit eh! Grr! Tapos di pa ko makainom ng tubig dahil Ramadan nga! Langya. Kamusta naman at super dry na ang lips ko! Pawis na pawis pa ko! Basang-basa na nga ung tshirt ko at buhok ko eh. Para na kong naligo -- NG PAWIS! Grrrr.
Kaya nung papunta na kami sa Sharjah, hala! Dumaan na muna kami sa McDo! Gutom ever na eh. Malapit na naman mag-Iftaar. :)) Hahahaha. Ayun, kami na ata ang pinaka-unang kumain nung Iftaar. Hahahaha.

They actually made my day!Kamusta naman at super haggard ang itsura ko.

Ayan, ayan! Leche! Mukha akong ehwan! :))Bwiseett! Hahahahaha. :))