iris
Wednesday, August 22, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Yeah, you bleed just to know you're alive.
Okay, now who wouldn't love that line? Haaaay. Nasa car ako kanina, narinig ko na naman ung kantang Iris and omg! I just can't stop singing it! :D I love it to death. Basta, basta. Mahal ko na ulit ung kantang yon.
Anyway, hindi ako nakapagpost maghapon ng entry. 2 reasons. First is that, wala akong maisip na ilagay. & 2nd is that, busy ako sa panonood ng One Tree Hill, Meteor Garden, at Deal Or No deal! Haha. Just imagine! Lol.
My day was fine. Nanood lang ako maghapon. At talagang nake-carried away ako sa story ng OTH. Nakakakilig, ever! Lalo na ung "Naley" loveteam! Ayiiieee!
Kanina, sinundo ako ni Ludge dito sa bahay. Officemate sya ng Mama ko. He's definitely waaaaaaay older than me pero di ko lang sya feel tawaging kuya. ;p Lol. Magkasing-laki lang kami eh. Hahaha. So un, sinundo nia ko dito sa bahay. Nagpunta kami sa office, tapos sumakay lang si Mama, at bumaba si Ludge, tapos umalis na uhlet kami ni Mama. Kasama namin sa car si Shaarfuhdin. Ung kasama din ni Mama sa trabaho. May faculty-get-together kasi sila sa Al Nasr Leisureland. Bowling ever ang drama ng mga lolo at lola nio. At syempre, ako na über young pa eh OP sa kanila. Lol. Nanood lang ako. Isang game lang naman sila Mama. So ayun. Kanina nga, may lalaki sa harap ko, hindi nia alam kung panu ipasok ung daliri nia dun sa tatlong butas sa bola ng bowling. Halatang hindi sya marunong. Pag harap nia, si Shaarfuhdin pala! Haha. Pero, infairness, sya pa ang nanalo. Waaaaay to go! ;p Tapos there's this another guy. Indiano rin sya. Grabe, ang KJ na, nakakairita pa! ;p Lol. Kasi, sya, hindi talaga marunong mag-bowling. Tapos pag turn na nia, parang gusto nia ata basagin ung floor dun sa bowling area! Grabe maka-bagsak ng ball ever! Tapos kadalasan, miss naman lage ung mga tira nia. Ayaw nia na nga maglaro eh, nahihiya ata. Sinasabe nia kila Mama na sila na raw ung tumira nung para sa kanya. Pero kinukulit lang sya ni Mama. Tapos ayun. Haha. Basta, sya ung lowest score. Tapos eh di tapos na ung game 1, eh 7:30 na nun, eh hanggang 7:30 lang kasi ung reservation nung company nila. Eh turn na ni Mr. KJ, sabi ni Mama, wait lang daw. Itatanong nia muna kung allowed pa ba sila maglaro. Eh itong si Mr. KJ na toh, aba'y ang kuhlet ng lahi, TUMIRA PA RIN! Anak ng! Natatawa lang tuloy ako sa kanya, kasi isa lang ung napatumba nia! Haha. Pasaway na ba--- er, matanda! ;p
Tapos nung bowling nila, syempre, kaya ako sumama dun eh dahil sa... CHIBUGAN! Haha. ;p Ayun, kumain kame. Pero promise, OP ang lola mo. Wala akong kausap ever.
Tapos after all those, dumirecho na kami sa Holy Trinity para sa Bible Institute. Bago naman ako bumaba sa car, may nagtext saken. Tuwa ko naman, akala ko, someone actually remembered me. Pag-open ko nung message, unknown number. Wala sa fonebook ko eh. Tapos sabi nia, "Bukas nko uuwi". Oo, un lang! Eh hindi ko sya kilala. So nagreply ako. Sabi ko, "cno to?" Ang galang no? ;p At hindi na po sya nagreply, mga kaibigan! Lol. So, sige. Fine, UMUWI KA KUNG KAILAN MO GUSTO, KUNG SINO KA MAN! Haha.
Tapos, umuwi na kami. At take note, may naka-park na naman sa parking slot namin. Grr.
Oh, btw. Dumaan pala kami muna sa McDo bago kami umuwi. Bumili ako ng McFlurry at McFries (make that large! -- Haha! Talk about "diet"... NOT! ;p). Si Ate Riza naman, chocolate Sundae at McFries din. Tas kay Mama eh Strawberry Sundae. Yuuummmmmy!
At ang hirap i-connect tohng hinayupak na net na toh. Pero okay na uhlet. ;p So un lang. :D