today & yesterday.
Friday, August 31, 2007
I'm happy, though I'm sad.
I feel like these days were so long. Grabe, di man lang ako nakapagpost ng entry kahapon. Panu kasi, gabi na kami nakauwi from church dahil sa choir practice. At napaka-unsual sakin ng hindi nagpupuyat sa net. Aba, ewan. Inaantok na talaga ako kagabi eh. Nyahehe. Sobra nga eh, as in ang sarap ng tulog ko. Pagod eh.
Huwalangyang C.A.T yan! Phew! Ang init-init ever! Hindi ba pwedeng sa winter na lang kami mag-C.A.T? Pabor pa sating lahat! Hahaha. Nakakainis kasi. Buti nga, dun kami sa may shade pinag-C.A.T eh. Siguro kasi, kahapon, first day pa lang. Eh pano pag hindi na first day? Langya, don't tell me ibibilad nila kami dun sa arawan? Hinayupak. ;p *oh, officers, walang personalan. Nagpapaka-pranka lang! ;p Nyahehe. Grabe talaga.
Tas, uh, nakuha na namin ung mga books namin. Babalutan ko na nga bukas eh. Magpapaka-sipag na naman ako. Kaya ngayon na lang ako magbababad sa net. May gagawin ako bukas eh. ;p Oha, sipag e nu? Totoo kaya? Lol.
Tapos.. Kamusta naman, NANDUN SI RAKKIE! Nyahehe. Long hair pa ang mokong. Oha. At ngayon, kachat ko sya, tinatanong nia saken kung mukha daw ba syang bakla. Togoinks! Sakin pa nagtanong tohng hinayupak na toh! Bwahaha. Eh hindi naman talaga sya mukhang bakla. Sabi ko nga sa kanya, nagmukhang binata lang! Bwahaha. Eh sa totoo naman eh! Mukha kasi syang totoy pag cleancut. ;p Lol. Kamusta naman, namiss ko ang paggigitara nia. Nyahehe.
Tapos, si Sir Aris, nako, ayan na naman. Inaasar na naman ako! Bwahaha. Naglelesson kami sa health tapos nung pagkasabi niang "Pag nag-buntis kayo..." biglang AKO ba naman ung tinignan! Hmp! As in inemphasize pa nia ah, na talagang ako ung tinitignan nia! Huwalangya. :))
Basta, parang ang haba-haba ng araw nung thursday. Haha. Tawa pa kami ng tawa ni Divine. Ang kuhlet kasi nun. Bigla na lang daw syang kinabahan nung bago mag-C.A.T. Eh hindi naman sya magc-C.A.T kasi may complication sya sa lungs. Eh sabi ni Sir Marlon, pumunta daw sila Divine at Agnes sa kanya bago mag-time ng C.A.T. Eh ayun, bigla na lang syang kinabahan. Tapos napaka-uneasy ng itsura nia kasi nagkaka-butterfly daw sya sa stomach. Hala, maya-maya, pareho na kami! :)) Kinakabahan na rin ako dahil sa hinayupak na C.A.T na yan! Ayun, pareho na kaming galaw ng galaw sa upuan! Hahaha. Uneasy na kami pareho! ;p Hahahaha.
Tapos ayun, dumirecho na ko sa church para sa choir practice. Hindi na nga ako kumain eh! Natulog na lang ako kaagad kasi super pagod talaga ako! Tapos ayun.
Then today, friday. Kakauwi lang din namin. Maghapon kami sa church. Nandito kasi si BMA eh. Ung senior pastor namin. Congressman ng 6th District of Manila. :) Ayun, sya ung nagpreach. Eh hanggang monday morning sya dito. Kaya bukas at sa sunday, meron pa rin kaming service. Susulitin na ung mga araw na nandito sya. Ayun.
Pagkatapos nung morning service kanina, nagpunta kami ni Kuya Jaycee sa Reef Mall. Hinahanapan namin ng gift si Ayah eh. Ayun, nakabili kami ng Skechers na slip-on type. Ang ganda nga eh! 115 dhs lang. :) Pero, maganda talaga, promise! Gusto ko nga rin eh. Magtitingin nga ako dito sa Battuta. ;p
Maraming nangyari today. Ayoko na lang ikwento lahat. Marami din kasing nakaka-inis eh. Pero, ok lang. :)
Hehe. Tapos eto na, nandito na ko sa bahay. ;p Lol.
second day.
Tuesday, August 28, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Second day ng school. Well, ok lang naman. Wala pa kaming schedule pero dumating ung mga teachers namin sa ilang subjects. Wala pa rin kaming Arabic teacher kaya nagbigay lang ng seatwork si sir Leonardo.
Hm. Teka, isa-isahin naten. ^_^
Na-late kami kanina. Haha. Super traffic na kasi sa Dubai at maraming pasikot-sikot sa Sharjah. Basta, pagdating namin sa school, past 8 na. Ayun, nagsusulat na si Sara sa board nung seatwork ni sir. Wala nang upuan sa likod eh, kaya sa harap na lang ako. As in FIRST ROW! Katabi ko si Divine, ung bagong classmate namin. Well, mas gusto ko na rin ung nasa harap, at least mas makakapag-pay attention ako sa class. :)
Second Period. Pumasok si sir Marlon sa classroom. Social Studies. At puro evolution-versus-creation ung diniscuss. Kamusta naman, ako pa unang tinanong kung anu ba daw pinaniniwalaan ko! At syempre, creation. Nuff said. Wag ka nang magtanong kung bakit. Basta, un ang pinaniniwalaan ko! Tas binigyan kami ng assignment, AGAD! Ayun, idefine daw the meaning of the following. ;p
Tapos, break. Edi punta kami sa canteen. At dahil pare-pareho lang ung mga pintuan ng mga rooms, nagkamali ako ng binuksan! Haha. Nabuksan ko ung faculty room! ;p Tas katabi pa pala nun ung canteen! Bwahahaha! Kaya sige, laughtrip, pare!
Third Period. MAPEH. Pero dapat daw Science namin nun. Eh wala pa nga si Ms. Rey. Kaya pumasok si sir Aris tas iniwanan nia lang ung book nia sa MAPEH kay Nicole at pinagdiscuss sya tungkol sa drugs. Oo, DRUGS! Haha, na-high nga ako eh! ;p
Fourth Period. English. Ayun, si sir Leonardo. Diniscuss nia lang ung mga magiging lesson namin throughout the year. Tapos 20 mins before time, tapos na syang magdiscuss. Tas naghihintay na lang kaming mag-time.
Fifth Period. Math. Oo, si Ms. Nazaret nga! Ohwell, dahil nga nasa harap ako, nakasabay naman ako sa discussion nia. :)
Break ulit. Lunch break. Walang nangyari. Hindi ako kumain eh, nag-iipon ako ng pera. Eh ang tanga ko naman, gagastusin ko rin naman pala ung 20 dhs ko today sa pamasahe ko! ;p
Sixth Period. Filipino. Diniscuss lang ni Ms. Untalan ung about sa cover (at sa pagkakasabi nia eh "ka-ver" ;p) tapos pinagkkwento nia kami tungkol sa makulay na bakasyon namin. Eh hindi makapagtagalog si Keren, nabigyan tuloy sya ng assignment. ;p
At last period. TLE. Yehey! Si Ms. Segui! ;p Ayun, sinabi nia lang kung anu-anu ung mga pag-aaralan namin this year.
Tas uwian na rin naman. Ang init nga sa quad, buti na lang, pinaka-unang tinawag ung bus number namin. ;p
Nakakamiss tuloy sina Kuya Bong at Kuya Manuel. Kasi wala na kaming kakulitan ni Sheena sa bus. Para kasing iba ang mundo nung iba naming ka-bus eh. ;p
Tapos mas lalo kong namiss si Kuya Bong. Kasi wala na kong kasabay umuwi. Wala na kong kasamang maghintay ng bus. :(
At sa sobrang atat kong umuwi, nag-carlift na ko. At ang takot ko lang! Haha. Ehwan ko ba, feeling ko eh hindi ako safe sa carlift. Basta, natatakot ako. Buti na lang marami kami. ;p
first day.
I'm happy, though I'm sad.
Hah. Nung sunday ung first day namin sa school at thank God, naka-survive naman ako! Yahoooo! Meron kaming tatlong bagong classmates. Pero ung dalawa, nag-aral na dati sa NF, umuwi lang sa pinas, tapos bumalik ulit. So un. Yung isa, new talaga. :)
Nakakapanibago ung new school. Kasi nga lumipat na ung school namin ng building. So un. Anlaki naman pala nung nalipatan nila. Lalo na ung quad. Grabe. Tapos ung mga classrooms, malaki din. Tables and chairs na nga ung ginagamit namin eh. Dati, armchair eh. Sayang, mas gusto ko pa naman un! Tas ang layo nung canteen sa classroom namin. Waaaaa. Pero ok lang, sila Tita pa rin naman ung incharge. Haha, nakiki-tita lang ako pero hindi ko sya kilala. ;p Tapos ung toilets, UGK! Wala kasing toilet bowl! Ang meron lang eh ung squat type na toilet. Kakabadtrip nga eh. Parang ayokong umihi dun. ;p Yaaak. Pero malinis naman. Tapos no vandalism daw. Langya, eh parang wala na ata kaming ivavandalize dun eh! Haha. :D
So let's talk about my classmates. Gah, it feels good to be with them again. :) Somehow, I felt I was at home. Specially how Jamie and I started off this year, parang hindi kami nagka-prob last year. Ganun din si Jill. Madalas na kaming magkasama ngayon. Parang ok na ung nangyari samin dati. Well, wish ko lang, ok na nga. ;p Hindi lang sila, everyone of them! We were all excited to see everyone! Ang saya nga, puro kami tawanan! Haha. Basta, masaya!
At dun sa mga bago naming classmates, well, WELCOME TO NFPS! There's Kathlyn (bahala na si Batman kung yan nga ang tamang spelling. ;p) Para syang si Agnes. Medyo tahimik. Pero pala-ngiti din. Then there's Divine. Naka-sabay ko syang mag-enroll pero di pa kami close nun eh! Lol. Parang close na kami ngayon eh, nu? ;p Mukha syang mataray though. Pero mabait naman. Medyo mahiyain & tahimik lang. Well, natural na lang siguro ung pagiging tahimik ng isang new student on the first day of class. To think na wala pa syang kakilala dun. So un. Ako kasi, last year, kakilala ko na si Ira eh, kaya may instant friend na agad ako! ;p Tapos si Angelica. Okay, nevermind. ;p
At syempre, nagpicturan din kami! Nasa friendster ni Nicole. Tignan nio. :)
So, sige. Magpaka-sasa muna kayo sa pictures ko! Este! Namin pala! ;p At pasensya na kung makulit kami. Haha. x.GONE.X
friday.
Friday, August 24, 2007
I'm happy, though I'm sad.
I'm tired. x_x Galing kami sa church eh. The whole day, nandun kame. Well, masaya naman. Dedication ni Paulina Rochel tapos may kainan and stuff. Tapos nung hapon, after ng Preacher's Night, nag-order sila ng pizza sa Pizza Hut! Yehey! Ang tsalap! Namimiss ko tuloy ung Yellowcab. Hehe.
Anyway. There's this new guy sa church. Waaaaa. Ka-irita ever! Sunud ng sunod saken. Tapos parang trying hard sya to make a conversation kahit na may iba akong kausap. Duh. Nakakainis. Kaya nga gusto ko lagi akong may kausap dun eh. Para hindi nia ako malapitan. Grabe lang, naiirita ako eh. Para kasing, anu... EHWAN! Parang bata eh. Feeling masyado. Haha. No offense. At Ayah, pag nabasa mo toh, OO KA NA LANG! Haha.
Oh, speaking of Ayah, titignan ko nga pala ung blog nia. :P Sige, teka lang. Ipopost ko lang toh. Hihi.
Wala masyado nangyari sa araw ko ngayon eh. Kaya un na muna. Oh, btw. IMISSMYBABY NA!
i'll be alright.
Thursday, August 23, 2007
I'm happy, though I'm sad.
First of all, syempre, Happy Birthday to my Baby.Ü Tapos 2nd eh nae-LSS ako sa I'll be alright ni Sarah Geronimo. Haha. Gusto ko idedicate kay Mama kaso wag na lang. Baka maiyak pa sya eh. Haha. Lol. So, ano nga bang meron today? Uh, huling araw ko nang magpapaka-babad sa net, probably. Tomorrow's friday so I'll be at church tapos sa saturday, we're planning to go swimming! Haha. Tapos sa sunday, ugk, pasukan na! Yehey! Okay din un, atleast mapapabilis ung takbo ng araw tapos uuwi na rin ako sa Pinas! Yahoooo!
So pag-gising ko this mor-- er, afternoon eh nagulat ako dahil may tao. Si Tito Bhojay. Himala lang, hindi naman kasi umuuwi dito un eh. Pero ahyun, nagpunta nga sya dito. Naki-gamit ng PC ko. Tuloy, late ko na nakausap si Baby. Ohwell. Akala ko nga nanaginip ako eh, narinig ko kasing may nagbukas ng pinto. Ang ingay nung susi. Yun pala, dumating nga sya. Lol.
Ok, one more thing. There's this lady. She's kind of annoying na. Hey, different to kesa dun sa "putakerang babae" (in terms of Virmie. Lol.) Related sya sa classmate ko dati. And now, naghahanap sya ng trabaho dito. So, nagpapatulong sya sakin. Duh, sakin pa eh ako nga nag aaral pa! Grr. Tapos ayun, she called me last night, nakiki-suyong icheck ko raw ung email nia. Baka raw may nag-email na sa kanya. Ok, fine. Edi tinext nia saken ung email at password nia. So chineck ko. Meron syang scheduled interview for today. Kaninang 10 AM pa un. Tapos, ang aga-aga kanina, tawag sya ng tawag sakin. Pero hindi ko sinasagot. Nakakairita na eh. Basta, super-daming-beses na niang tumawag sakin. Pero hindi ko lang sinasagot. Haha. Tapos nag-text kanina, sabi nia, "Len san u,bki d u sumasagot." Haha. Hindi ko rin nireplyan. I mean, hello?! Sakin pa sya magpapatulong eh ako nga, wala pang trabaho! Parang timang. Hahaha. Bahala sya. Am I being mean or what? Coz if I am, I don't care. Haha.
Seriously, nabobored ako. And honestly, I miss everyone in the Philippines. Okay, not every single one of them. I mean, everyone that I know. Everyone that I got to spend time with. Si Aaron (iloveyoubaby.), mga pinsans (Bryan, Bea, Benedict, Bf, Benneth), si utol (Alysha), mga tita at tito (Tita Tectec, Tita Papay, Tito Raul, Tito Ronnie), at si Lola (Lola Mommy). Pati ung mga ka-text ko. Mapa-Globe *ahem* or mapa-Smart *ahem*. Lol. At talagang may *ahem* pa eh no? Mga old classmates ko, namimiss ko na rin though parang hindi na sila ung mga kaklase ko dati dahil sa so-called "personality change" nila. I talked to a former classmate nung naka-salubong ko sya sa SM & somehow, that's what I got from her. Nauso daw kasi ung "personality change" blahblah na yan sa school nila so ayun, naki-join na daw sya. I was like, "yeah. whatever!" Ugk. I just miss them. Kaya I really wanna go to school. I want time to fly fast. Naeexcite tuloy ako.
And by the way, I've decided to take 4th year HS sa Pinas. I mean, I'm not going to take that PEP test anymore. Ayokong ma-miss ung happenings pag 4th year. Hah, kasama na dun ung Graduation. Hindi na nga ako naka-attend ng graduation nung grade 6, palalampasin ko pa ba toh? (Okay, I wasn't able to attend kasi nandito na ko sa Dubai nun.) So un. And I've already decided kung anong kukunin kong course for college. Pero, secret muna. ;p Lol. Pero pinagiisipan ko pa kung san ako mag-aaral ng college. I mean, kung san school.
I'm taking that course not for me, but for my mom. Hindi naman talaga un ang gusto kong course, pero okay na rin. Atleast may magagawa naman ako to make her happy. And naging challenge na siguro sakin ung matapos ko ung course na yun, kasi I'm sure that would make her proud of me. :) Oh, btw. Hindi na siguro kailangan itago sa inio kung anong course ung kukunin ko. Nasa wishlist ko na rin naman eh. I'll be taking NURSING. :)
~~~
I'm missing someone, I think. Aside from my Baby, hindi ko naman alam kung sino. I mean, napanaginipan ko kasi sya kagabi. Ang sweet nia daw kasi sakin, tapos sobrang close daw kami, tapos tawa daw kami ng tawa tapos pinapakinggan pa namin ung mga kanta ng Parokya ni Edgar. Kaso blurred ung mukha nia eh. Bat kaya ganun? Haha. Imagine that guy, blurred ang mukha! Haha. I'm sure he'd look like hell. ;p Lol. Well, kung sino ka man, BAHALA KA. Ehwan, wala akong masabi sayo eh. Nyahaha.
Hm, what else? We're going swimming this saturday! Sa WildWadi! :D Lol. I'm sooooo excited! Haha. It's been like what, 3 years? 2 years? since nung huling swimming namin dun? Ehwan. Basta! Matagal na eh. Kaya naeexcite na ko! Yahooooo! ^_^
Anyway. Un na muna. Wala na kong maisip eh. Lol.
..and again, happy birthday babyko. Iloveyou.
birthdayboi.
Wednesday, August 22, 2007
I'm happy, though I'm sad.
It's 2 AM na sa Pinas ngayon at gusto ko lang batiin ang aking one-
super-boyfriend ng
HAPPY BIRTHDAY. :) As much as I wanna do something special, wala akong maisip. Haha. Actually, that's all I wanna put in this entry. :)
I love you always, Aaron.
depression.
I'm happy, though I'm sad.
Okay, so I was watching One Tree Hill kanina. Dun sa part na may nagrelease nung time capsule nila.
Kasi nga, they were asked to say something dun sa time capsule. Ung mga nararamdaman nila & stuff. Ganun. Pero walang ibang nakaka-alam. Sila lang sa sarili nila. Irerelease lang un after 50 years. Eh may isang b*tch na naglabas nung time capsule. So na-reveal na lahat-lahat sa buong campus. Nilagay pa nga sa net. Aun. Nagkanda-leche-leche na ung buhay nung mga studyante.
And then I came to realize how depression can really manipulate you and make you do things that you're not supposed to do. Depression makes you someone you're really not. Lalo na sa America. Grabe lang.
Parang same dun sa lumabas na balita dati about sa gunman sa Virginia ata un? See, he's also depressed, I think. Or... Maybe, galit sila sa ibang tao. Pero basta.. Ehwan!
Nalulungkot tuloy ako. Namatay din kasi si Keith sa OTH. Waaaaa. :(
Haaaay. Buti na lang ako, hindi ako nagkaka-ganun. Nyahaha. Though I get to feel so down. Kahit na sobrang depressed ako. I just need something to draw my attention to. Or atleast, I get to talk to someone about it. Masaya na ko dun. Kailangan ko lang ilabas ung nararamdaman ko in some way, then ok na. Ganun lang naman ako lagi. May mga tendencies na tinatago ko pa rin sa sarili ko pero atleast, I can still gather myself together. Hindi pa ko nag-bbreakdown. And that's good. :)
Ohwell. ^___^
iris
I'm happy, though I'm sad.
Yeah, you bleed just to know you're alive.
Okay, now who wouldn't love that line? Haaaay. Nasa car ako kanina, narinig ko na naman ung kantang Iris and omg! I just can't stop singing it! :D I love it to death. Basta, basta. Mahal ko na ulit ung kantang yon.
Anyway, hindi ako nakapagpost maghapon ng entry. 2 reasons. First is that, wala akong maisip na ilagay. & 2nd is that, busy ako sa panonood ng One Tree Hill, Meteor Garden, at Deal Or No deal! Haha. Just imagine! Lol.
My day was fine. Nanood lang ako maghapon. At talagang nake-carried away ako sa story ng OTH. Nakakakilig, ever! Lalo na ung "Naley" loveteam! Ayiiieee!
Kanina, sinundo ako ni Ludge dito sa bahay. Officemate sya ng Mama ko. He's definitely waaaaaaay older than me pero di ko lang sya feel tawaging kuya. ;p Lol. Magkasing-laki lang kami eh. Hahaha. So un, sinundo nia ko dito sa bahay. Nagpunta kami sa office, tapos sumakay lang si Mama, at bumaba si Ludge, tapos umalis na uhlet kami ni Mama. Kasama namin sa car si Shaarfuhdin. Ung kasama din ni Mama sa trabaho. May faculty-get-together kasi sila sa Al Nasr Leisureland. Bowling ever ang drama ng mga lolo at lola nio. At syempre, ako na über young pa eh OP sa kanila. Lol. Nanood lang ako. Isang game lang naman sila Mama. So ayun. Kanina nga, may lalaki sa harap ko, hindi nia alam kung panu ipasok ung daliri nia dun sa tatlong butas sa bola ng bowling. Halatang hindi sya marunong. Pag harap nia, si Shaarfuhdin pala! Haha. Pero, infairness, sya pa ang nanalo. Waaaaay to go! ;p Tapos there's this another guy. Indiano rin sya. Grabe, ang KJ na, nakakairita pa! ;p Lol. Kasi, sya, hindi talaga marunong mag-bowling. Tapos pag turn na nia, parang gusto nia ata basagin ung floor dun sa bowling area! Grabe maka-bagsak ng ball ever! Tapos kadalasan, miss naman lage ung mga tira nia. Ayaw nia na nga maglaro eh, nahihiya ata. Sinasabe nia kila Mama na sila na raw ung tumira nung para sa kanya. Pero kinukulit lang sya ni Mama. Tapos ayun. Haha. Basta, sya ung lowest score. Tapos eh di tapos na ung game 1, eh 7:30 na nun, eh hanggang 7:30 lang kasi ung reservation nung company nila. Eh turn na ni Mr. KJ, sabi ni Mama, wait lang daw. Itatanong nia muna kung allowed pa ba sila maglaro. Eh itong si Mr. KJ na toh, aba'y ang kuhlet ng lahi, TUMIRA PA RIN! Anak ng! Natatawa lang tuloy ako sa kanya, kasi isa lang ung napatumba nia! Haha. Pasaway na ba--- er, matanda! ;p
Tapos nung bowling nila, syempre, kaya ako sumama dun eh dahil sa... CHIBUGAN! Haha. ;p Ayun, kumain kame. Pero promise, OP ang lola mo. Wala akong kausap ever.
Tapos after all those, dumirecho na kami sa Holy Trinity para sa Bible Institute. Bago naman ako bumaba sa car, may nagtext saken. Tuwa ko naman, akala ko, someone actually remembered me. Pag-open ko nung message, unknown number. Wala sa fonebook ko eh. Tapos sabi nia, "Bukas nko uuwi". Oo, un lang! Eh hindi ko sya kilala. So nagreply ako. Sabi ko, "cno to?" Ang galang no? ;p At hindi na po sya nagreply, mga kaibigan! Lol. So, sige. Fine, UMUWI KA KUNG KAILAN MO GUSTO, KUNG SINO KA MAN! Haha.
Tapos, umuwi na kami. At take note, may naka-park na naman sa parking slot namin. Grr.
Oh, btw. Dumaan pala kami muna sa McDo bago kami umuwi. Bumili ako ng McFlurry at McFries (make that large! -- Haha! Talk about "diet"... NOT! ;p). Si Ate Riza naman, chocolate Sundae at McFries din. Tas kay Mama eh Strawberry Sundae. Yuuummmmmy!
At ang hirap i-connect tohng hinayupak na net na toh. Pero okay na uhlet. ;p So un lang. :D
meteor garden.
Monday, August 20, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Haha. Naaadik na naman ako sa Meteor Garden! And thanks to CeeCee (1NF1N1TY) from teentalk. Nyahaha. Courtesy of starnight19. All videos are dubbed in tagalog! Haha. Ang saya diba?
Oh. Anu pa ba? Eto, bago ako manood ng meteor garden, I was sooooo bored to death! As in naloloka na ko! Natulog na kasi baby ko kanina. And um-ok na ko since ayoko na rin syang nagpupuyat. Well, ako naman, bilang na ang mga araw ng pagpupuyat ko. Magpapasukan na sa Sunday eh. Waaaa.
Naeexcite ako! Wootwoot. Kaso, kinakabahan din. Imagine, teacher ko na naman si Ms. Nazaret! Waaaa. Not any of what I expected this year. Magaling naman sya eh, awkward lang. Hihi. Basta, basta. Bahala na!
Sa classmates ko naman, hm, I wonder kung ilan na lang kami this year. Last year, 25 kami. Nabawasan pa ng isa dahil umalis si Joan, so naging 24 kami. Eh this year kaya? Nakakainis lang, kulang-kulang na kami. Hindi na buo ang Barangay Humility. And I will definitely miss them all. Lalo na next year, uuwi na ko sa pinas, FOR GOOD. :)
Anyway. Pag bukas, may happenings na naman sa napaka-boring kong buhay dito, sige, magpopost ako ng entry. Pag wala, well, magpopost pa rin ako! Un eh kung sisipagin ako. Pero don't worry. Dahil über bored ako dito, malamang makakapagpost ako. So... Ciao for now! :)
real girl.
I'm happy, though I'm sad.
Now playing: Real Girl. By Mutya Buena.
Gah. I'm super addicted to this song. Kahit hindi ako ganyan, dahil alam ko, marami pa rin akong ayaw i-admit sa sarili ko. Basta, I super like this song. Out of 10, I'd rate this 10.1! Lol. Considering na pinay pa ung kumanta. ;p
If I had one chance to
In my life again
I wouldn't make no changes
Now or way back when (yeah)
And if everything turns out
The way I hope it goes
But I cant wait to find out
What it is that God knows
But I don't wanna think about
What's gonna come around for me
I'll just take it day by day
'Cause it's the only way
To be the best that I can be
Chorus:
I never pretend to be something I'm not
You get what you see, when you see what I've got
We live in the real world, I'm just a real girl
I know exactly where I stand
And all I can do is be true to myself
I don't need permission from nobody else
'Cause this is the real world, I'm not a little girl
I know exactly who I am
And nothing's ever perfect
There's no guarantee
And if I knew the answers
It would put my mind at ease (no)
So I'll just keep on going
The way I've gone so far
And maybe I'll end up
Tryin' to catch a fallin star (yeah)
But I don't wanna think about
What's gonna come around for me
I'll just take it day by day
'Cause it's the only way
To be the best that I can be
* Repeat Chorus.
Baby this is who I am
Don't need you to understand
'Cause everything is right where it should be
It wont be long til you know about me,
'Cause I don't give a...
Even when I'm out of love
'Cause everythings just how it should be
And it wont be long till you know about me
* Repeat Chorus 2x.
Now, who wouldn't love this song? Waaaaa.
phew.
I'm happy, though I'm sad.
Ugk. Whatta day! Haha. As if naman napaka-tiresome ng buhay ko dito e nu? Anyway. I did some tasks today! Yay! Okay, okay. Mabait ako ngayon, kaya manahimik ka na lang! Bwahaha.
Eto, listahan ko:
[ / ] Ayusin ung gamit ko. And by that, I mean, i-segregate ung mga hindi ko na gagamitin sa mga gagamitin ko pa for this school year. Oha, oha.
[ / ] Maglampaso. Ano ka! ;p Lol. Oo, si Cinderella ako ngayon! Nyahaha. Pagkaka-iba lang, mamayang 12 midnight, balik na ko sa pagiging prinsesa! Nye. ;p
[ / ] Cook food for myself! Yahoo! Actually, madalas ko namang ginagawa un eh. Kahit na super tamad ako, eh sa nagugutom na ko no! Bwahaha. Ohwell. Nagsaing lang naman ako at nag-prito ng Maling. Wag ka, nahirapan ako dun! Hahaha.
[ / ] Nalikom ko na ung mga sinampay. Yay! Haha. Ayaw na ayaw ko pa namang lumalabas sa balcony. Ang init kase eh! Sayang ung fats ko na ma-bburn! Bwahaha. Joke lang. ;p So un! Galeng nu? Lol.
Aside from all that, there's still one more task that I have failed to do today. And that is...
[ x ] Magplantsa. I'm supposed to make plantsa all those sinampay na nalikom ko. Kaso wala talaga ako sa mood magplantsa eh! Tomorrow na lang. :) Don't worry, may naka-ready na kong palusot para dun! Nyahahahah.
Oha, ang galing ko no? ;p Oo ka na lang, blog ko naman to e!
ohemgee!
I'm happy, though I'm sad.
Okay. Start. :)
OMG! As in Oh-My-effin'-Goshhh! Nakaka-gagu ung araw ko. Hindi ko maintindihan. Is it just me? Or talagang nakaka-windang ang araw ko ngayon? Sige, sige. Teka, isasalaysay ko ang mga pangyayari. Naks. ;p
Una. Na-badtrip ako kay Baby kanina. Panu kase, antagal ko naghintay sa kanya last night at dahil sa magaling na isang tao dyan, hindi kami nakapagusap. So I thought, kaninang umaga na lang kami mag uusap. Okay. So naghintay ulit ako. And again, wala pa rin sya! Nung tinawagan ko, hindi pa daw sya makaka-OL. Napikon na ko kaya hindi ko na pinakinggan kung bakit. So whatever. Tumunganga ako dito sa harap ng PC, gumawa ng kung anu-anu. Ayun. Kita nio naman siguro sa post ko kanina kung gano ako ka-upset diba? ;p So un.
Pangalawa. Naiinis ako sa sarili ko. Wala man lang akong nagawang matino today. Well, actually, meron. Napa-palitan ko ung pantalon ni Aaron Rojas sa Hang Ten sa Ibn Battuta kanina. Aside from that, ang mga bilin pa ni Mama eh, maglampaso daw ako at ligpitin ko na raw ung mga dating gamit ko. Idispatcha ko na raw ung mga hindi ko na gagamitin at hindi ko na kailangan. So un. Wala akong ginawa kahit isa dun. Nagcomputer lang ako maghapon at nanuod lang din ng One Tree Hill. Okay, now I feel so worthless. :(
Pangatlo. So, the boring part is that after ko papalitan sa Hang Ten ung pants ni Aaron, naghintay pa ko ng ISANG ORAS dahil ang tagal ni Mama! Waaaaa. May somewhat-meeting yata sa office nila at may mga bisita yata sila dun. So un. Na-late na sya ng alis sa office. And guess what, na-late na rin kame sa church. Oh, joy. Not.
Pang-apat. There's this annoying lady na laging sumasabay samin papunta at pauwi from church. Okay, hindi na ko magbabanggit ng pangalan. Pero, gosh! She's getting on my nerves, for Pete's sake! Mabait sya, kung sa mabait eh. Kaso, ANG DALDAL NIA! Tapos ung boses pa nia eh ung tipong nakaka-ugk! I mean, nakaka-irita! Para bang tindera sa palengke! Kamusta naman. At nung pauwi na kami, sya lang ung nagdada-dakdak sa kotse. Inaantok na kasi kaming lahat, ehwan ko ba sa kanya bat ang daldal. Tapos may kausap sya sa fone, goshness naman, para namang nasa kabilang bundok ung kausap nia at para namang hindi nia kausap sa fone. Maingay din magsalita ung kausap nia kasi naririnig ko pa eh. And definitely, hindi naman pangit ang signal at hindi naman nagpuputol-putol ung pag-uusap nila so no need to shout. Pero.. Waaaaa. Nakakainis lang talaga sya! Every sunday pa man din namin kasabay.
Pang-lima. Hm. Si Ayah. May sinabe saken. Bwahaha. =)) Sige, sige. Memet, secret na lang yun. ;p
Pang-anim. Naligaw kami nung pauwi na. Hinatid kasi namin si Ate Lucelle at dahil andaming bagong construct na bridge dito, ahyun, nagkanda-ligaw-ligaw kame! Bwahaha. Ang layo pa tuloy ng inikutan namin! Gah. Nasayang na ung gas, nasayang pa ung oras.
Pang-pito. Pagdating namin sa parking lot, may naka-park na ibang sasakyan sa parking slot namin. Dati kasi, wala namang assigned na parking slot para sa residence pero ahyun, nag-assign na sila at nakalagay naman dun sa simento kung kaninong parking slot un. Ehwan ko ba dun sa timang na nagpark sa parking slot namin. So tinawagan ni Mama ung security ng The Gardens. And guess what, hindi pa daw kasi nila naiimplement ung assigned-parking-slot thingy na un kaya magpark na lang daw kami sa iba muna. Haller? What's the point of getting a parking sticker? Gah. 100 dhs din ata un, or so.
Pang-walo. So.. Nagbukas ako ng friendster. At dahil may "sent-smiley" chorva ako, ahyun, nakikita ko kung sino ung mga nagvview saken. Direcho sa inbox ko un. So un. Pagcheck ko nung inbox ko, ung first two smileys came from someone na matagal na kong walang balita though nakita ko sya (from afar) nung nagbakasyon ako sa Pinas. At sino un? Ugk. Okay, eto na. Si ex-papa (lol) Arh-jhay. Actually, un lang nakalagay. Ung "Arh-jhay sent you a smile blahblah." Tapos tinignan ko ung profile nia. Waaaa. Gulat ko lang nung nakita ko ung apelyido sa taas. Moraleda. ;p Oh, kung di nio kilala un, sya lang naman ung ex ko. Naks. Wala, wala. Nawiwindang lang ako. At hindi ko alam kung bakit. Balita ko nga, may asawa na raw un eh. Aba, pasensyahan na lang, may asawa na rin ako! ;) Gah. Why am i so psyched ba? ;p
And lastly... Nakita ko ung date dun sa sent smiley ni Arh-jhay. "19 August 2007" Bwahaha. Naalala ko naman ung isa kong ex. Paolo naman ang pangalan nia. Kung un man talaga ang pangalan nia. Hahaha. I don't know him that much pero basta.. Lol. Malabo kasi eh. Wag nio nang alamin. Mawiwindang lang kayo. ;p So un. August 19 kasi naging kame nung hinayupak na un. August 19, 2003. Pero 4 months lang kami. Bago si Aaron, sya ung pinaka-matagal ko eh. Bwahaha. Pero kitams naman, ung sunod na pinaka-matagal ko, almost 4 years na! Bleh! San ka pa? ;p Lol.
So un lang. Hahaha. Ano, kakawindang nga ba? O mentally retarded lang talaga ako? You pick. :)
teentalker @ heart.
Sunday, August 19, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Aack! Masyado lang akong na-overwhelmed sa teentalk! Haha. Dami ko na ring nakilala dun. Ohwell. :)
Oha, oha. Ung username ko. :) Naks. Natuwa rin ako dun sa posts ko, 818. Parang 8i8. Hehe. Nevermind the BOO's but spot the YAY's! Lol.
mga pangarap kong gawin.
I'm happy, though I'm sad.
Ok. Sobrang bored ako at naisipan ko lang ilista lahat -- and I mean, lahat! -- ng mga bagay na gusto kong gawin bago man lang ako ma-chugi! :D Alright. Shoot!
1. Gusto kong lumipad. Okay. Exagge. Wala namang taong nakakalipad. Unless high sya. Haha. Parang ang sarap lang kasi ng pakiramdam. Pag tinignan mo ung mga ibon, parang malayang-malaya sila.
2. Gusto kong umuwi na sa Pilipinas! Well, hindi naman na ganun kahirap abutin yun since uuwi na rin naman talaga ako right after this school year. :]
3. Gusto kong mag-Around-the-World Tour. Matagal ko nang pangarap un. Simula pagkabata. Unang gusto kong puntahan eh Paris. At bisitahin ang "Eiffel Tower" which really wowed me. :]
4. Gusto kong sumakay ng Ferry. And somehow, overcome my fear. Takot kasi ako sa mga water transport. Bangka, barko, etc. Hindi kasi ako marunong lumangoy. Haha. At takot ako sa mga sharks. Whaaaaatt! ;p
5. Get married. And actually save it til death. :] Gusto kong magkaron ng masayang pamilya. Hindi katulad ng pamilyang kinalakihan ko. At magiging posible lang yun kung si Aaron Geremia ang makakasama ko habangbuhay. :]
6. Gusto kong tapusin ung One Tree Hill up to its last episode. Oo, kahit sa January pa daw ung season 5. Haha. May panahon pa para matapos ko ung seasons 1 - 4 til January. :] Actually, I'm on season 3 na! ;]
7. Magshopping! Oo. Kahit broke ako. Kahit sunog ang wallet ko. Bwahaha. Gusto ko lang mamili ng mga bags, shoes, accessories! And again, Oo. Kahit hindi ako ganun ka-girly, trip ko mangolekta ng mga ganun. XP
8. Sumakay sa RTA train. Naks. Umaasenso na ang dubai! Magkakaron na ng train! Wootwoot. Kaso, by that time, nasa Pinas na ko. Pero wth? Edi magbabakasyon ako dito! Oo, para lang sumakay sa train ng Dubai! Haha.
9. Maging MULTIMILLIONAIRE. Haha. Nasa Super Wishlisssst ko un diba? Ohwell. Tignan na lang natin. Okay lang naman mangarap eh! Bwahahaha!
10. Makasama ulit sila. Sino? Ung mga "totoong" kaibigang tinuring ko. Magiging masaya ulit ang mundo.
11. Magpakasaya. At bumalik sa pagkabata. Andaming nangyare. Ambilis ng panahon. Gusto kong balikan ung mga araw na kami-kami lang ng mga pinsan ko against the world. Ngayon, marami na kami. Haha.
12. Magpa-sexy! Oh, shaddup! Wag ka nang kumontra! Blog ko to e! ;p
Sa ngayon, yan pa lang naiisip ko. Pero marami pang iba. :] Ieedit ko na lang to next time. :]
ugk.
I'm happy, though I'm sad.
*inhale*exhale*inhale*exhale. <-- Haha. Yan ang exagge! :P Lol.
Teka, teka. Nababadtrip na naman kasi ako eh! Langya. Ilang oras ako naghintay kagabi. Tapos hindi pa rin pala kami makakapagusap ngayon. POTA! Nakakapikon ha! Leche. Ano, wag na lang kaya tayo mag usap no? Watchu think? Pabor pa sayo! Anak ng! Wala man lang pasabi na hindi magoOL. Pwede naman mag-offline message! Hah! Wala ka lang talagang pakialam no? And again, POTA. Fine! Wag kang magpapasabi ah? Paghintayin mo ko habangbuhaaaaaaay! X(
ehwan!
I'm happy, though I'm sad.
Anak ng! Ehwan! Sige, sige. Matutulog na lang ako. I've waited long enough. Grabe kasi eh! Tsk. Nasagot na rin ung tanong ko kanina. Inaantok na talaga ako. Naman kasi! Isa lang naman ang dapat sisihin eh! Grr. Pero.. Dahil mabait ako (naks!), matutulog na lang ako! Bukas? Kung makakapagusap kami, bahala na. Pero yeah, makakapag-usap naman siguro kame. Mabait nga kase ako. ;)
Nakakabaliw maghintay. Goshness. Sige, sige. Kase sabi ko, matutulog na ko diba? Pero eto, nagta-type pa rin ako! Haha. San ka pa? Oye!
Ay, ay. Teka! Hindi ako kumain ng dinner! Haha. Wootwoot. Way to goooooo! Sana lang, matupad ung nasa wishlist kong "diet! diet! diet! bwahahaha!" diba? Lol. Pero sige lang, gooooooooo! Matupad man o hinde! Nyahaha.
At oo, naiinis pa rin ako sayo, kaya wag kang mangarap, PLEASE LANG! -- Hah! Akala mo ah? Wisett. X(
Nakailang blog entries ako today? 5? 6? Cheber! Ang chaka naman ng lola mo! Sinisipag pa kasi mag-blog eh! Pag yan, tinamad na! Bwahaha.
Oxa. I am super antok na.
Baby, tulog na po ako ah? Imissedyousomuch na. Kaso... Anu eh! Grr. X( Anyway. Later na lang tayo chat. Pagkatapos kong gawin kung anu man ung mga dapat kong gawin. Or.. We can talk bago ko gawin ung mga tasks ko. Wala naman si Big Brother dito eh. Haha. Sige na. Antok na talaga ako! Prumis! KASEEEEEEEE! Grr talaga. Geh. Bbye. Iloveyousosomuch. :]
Gudnaaaaaayt!
At sayo! Er, sana bangungutin ka! Anak ng!!! X( -- Hahahahahaha!
anak ng tokwa yan!
I'm happy, though I'm sad.
Langya. Namumuti na mata ko sa kakahintay! Waaaa. Okay, exagge. Not literally namang namumuti na ung mata ko. Haha. Cheber! Nakakainis naman kasi. Kanina pa ko naghihintay. Matutulog na ba ako? Ang tagal nia kasi. KASI NAMAN! Asus. Hampasin kita eh! You want? Haha. Napipikon ako. X(
♪ La la la la la.. ♪
Amfufu yan! Kailan pa kaya sya magoOL? Bukas? Sa makalawa? Sa isang linggo? Sa isang buwan? Sa isang taon? And again, exagge na naman. Haha. KASI NAMAN TALAGA!
Sana lang nage-gets mo ung mga pinaglala-lagay ko dito, baby!
Nakakatamad. Shet, inaantok na ko! At ang tanong uli ay...
Matutulog na ba ako?
Hindi. Hindi pa pwede. Kailangan makapagusap man lang kami tonight. Marami akong gagawin bukas eh. Magliligpit ng mga basura ko sa kwarto (haha!), manonood ng OTH (promise, gusto ko nang tapusin!), maglalampaso, manonood uli, at kung anu-anu pa! Nakaka-lokaaaaaaaa!
KASi NAMAAAAAAAAAAAAAAAN! Grr. Ugk. Eww. Phew.
^ Haha. Wala lang. Wala na kong ma-type. Nawili lang ako sa pagbblog. Haha. Anu baaaaaaa.
~~~
Oxa, xa. Sige, go go go na ko! Teentalk or Friendster mode naman. Nananawa na ata saken tohng blogger. ;p Lol.
Babayooooooooo detektiiiiiiiibbb!! o_O
boredumb!!
Saturday, August 18, 2007
I'm happy, though I'm sad.
Gah. Antagal naman mag-OL ng baby ko. Anong petsa na! Haha. Ohwell. I guess I just missed him that much. That guy. He really stole my heart. :] And I'm glad I did let him steal it.
You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can't compare you with anything in this world. You're all I need to be with, forevermore. :]
I just love that song! Papakanta ko yan sa kasal ko! Haha. Kasal ko kay Aaron Geremia! Oha, oha!
Wala, wala. Super love ko lang talaga baby ko! Kahit na lagi kaming ganito, lagi kaming ganun. Kahit na hindi mo maintindihan love story namin. Haha. Pakelam ko naman kung hindi mo maintindihan? Actually, pakelam mo ba sa love story namin? Haha. At ayan na po, mga kaibigan. Inaatake na naman po ako ng kabaliwan. Wala na kasi akong makausap. Wala na kong magawa! * sob.
~~~
Nakakainis ung time nitong Bloggers. Haha. Hindi ko maintindihan. Bat ganun? Nakaka-gagu ung oras. ;p Ah. Ehwan. Bakit ba kasi pinapakialaman ko pa? Ang ngangi ko talaga! Wag ka, ang ganda ng term ko! Oha, oha. Ngangi e nu? Lol.
At sobrang proud ako na may blog na ko. All thanks to Leigh De Guzman for helpping me out.
~~~
Alright. Enough of this insanity. Tama naaaaaaa! XP
i miss philippines. =(
I'm happy, though I'm sad.
Gosh. Miss na miss ko na ang Pinas kahit na kasalukuyang binabagyo ito ni Egay. Haha. Langyang Egay yan. Binibigyan ng kaligayahan ang mga estudyante sa Pinas. 6 days walang pasok. Hanep. Ingget ako! Haha. As if naman pumapasok na ko dito no? ;p
Andami kong namimiss. Kahit na I spent my vacation na broke ako! Haha. Miss ko na ung mga walang katapusang teleserye sa Abs-Cbn! Pero may youtube naman para maka-catch up ako sa mga dramang yan. Miss ko na rin ung SM Molino. Though, wala naman talagang interesting dun sa mall na un. Hypermarket lang naman kasi un. I miss all those jeepneys. Kahit ang mahal na ng pamasahe! Haha. Bago ako magpunta dito sa Dubai nung 2004, P4 lang ang pamasahe eh! Ngayon, gosh. Nevermind. Miss ko na ung mga maiingay na trike. Na talagang magigising ka sa umaga dahil super inggay nila! Haha. Nakakamiss lang. Wala dito nun eh. Wala din dito nung mga maiingay din na batang naglalaro sa kalye tuwing hapon. Oha, andami ding wala dito no? Isa pang wala? ULAN! I miss playing in the rain. And be a child once more. :[ Haaaay.
Namimiss ko na rin si Benjo. Haha. Kahit lagi akong inaaway nun. ;p "Tadtarin ko yang ngipin mo eh!", "Mukha mo!", "Asa!". Hahaha. Yan ung mga laging sinasabe saken ni Benjo eh. Haha. Funny lang, to think na 6 years old lang sya. ;p I miss Bea na rin. At lahat ng kaartehan nia sa katawan. Well, kaming tatlo lang naman nila Alysha ang babae sa magpipinsan. And Alysha's too young pa kaya medyo hindi pa sya nakakarelate. Si Bea naman, somehow, nagdadalaga na. Naks. Si Bryan, miss ko na rin. Pati ung mga pang-aalaska nia saken. Huhu. I super miss them na talaga! Pati si Tita Tectec at ung mga plantsa sessions namin sa Pearl. :[ Haaaay.
Syempre, kasama na rin sila Lola, Alysha, Tita Papay, Benneth, Bf, Tito Raul at Tito Ronnie.
And lastly, mawawala ba naman sa listahan ko si... Aaron Geremia? Of course, not! I miss him so much! Lahat ng memories namin. Ung sa SM, zagu, siomai, isaw & marami pang iba. Haha. Our favorite card game, TONG-ITS! Haha. Oo na, oo na. Talo na ko! Lol. Pero sobrang namimiss ko pa rin un. Kahit na talo ako lagi. Haha. Basta, I super miss my baby. Kahit na madalas kaming nag-aaway. Uh, kahit na lagi ko syang inaaway. Haha. I miss watching movies with him. Hmm. *grin. Haha. Baby, alam mo na un! ;p
Lol. Wala lang. Reminisce. All those makes me more excited for May 2008. Naks. Uuwi na uhlet ako! Yahooooo! At yehey, dahil for good na ko dun! Wootwoot. :]
first post uli. ;p
I'm happy, though I'm sad.
I deleted my very first post. I've been browsing in this thing like hell. And I seriously need someone who can help me with this. My page turned out pretty bad, huh? Well, not really. I got the layout from blogskins.com and gah, there were too many skins! Kaloka, ever. ;p
One more thing that actually pissed me off today. Ung DVD player namin, nag-overheat! Kamusta naman. Pano na ko makakanood ng OTH nian? Ugk. PC? Na-uh. Hindi ko feel. Well, I guess, sa kwarto na lang ako manunuod. :[ Season 3 na ko! Yay! I'm planning to finish til season 4 on Thursday. Coz, friday, busy ako, sa church. Saturday, I'm going swimming, baby! Haha. At Sunday, Ugk. Pasukan na. Kinda excited though. Er, but not really. ;p
Oh btw. Ayah & family are leaving na for Australia. :'( If you still haven't noticed, they're in my wishlist. :[ Promise, I don't want them to go. Pero if that's what they want & if that's God's will, edi why not diba? Pero nakakalungkot. Promise.
Hm. Mom & I are going shopping! Weeee. Well, not really. ;p Shopping lang for my school stuffs. Tapos uwi na rin. & dun lang naman kame sa Ibn Battuta Mall. So un.
Anyway. I think this blog is a good start for this school year. Atleast mailalagay ko na dito ung mga happenings this year. :] Good. ^_^